Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay, 4 sugatan sa killer truck (6 sasakyan inararo)

DALAWA ang patay kabilang ang isang babaeng napugutan, habang apat ang sugatan nang araruhin ng isang truck ang anim sasakyan sa M.L. Quezon Extention, Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Arthur Masungsong, hepe ng Antipolo City Police, ang namatay na si Luis Francisco Rebola, tricycle driver, habang hindi pa nakikilala ang babaeng pasahero niya na napugutan ng ulo.

Samantala, grabeng nasugatan sa insidente sina Rogelio Sarmiento, 60, vendor, ng Purok-7, Silihan, Angono; Ernesto dela Paz, tricycle driver; Philip Salvador, 33, ng Sitio Ahon, Antipolo, at Dennis Dutullo, 14, ng Angelica St., Robinson Homes, Antipolo.

Agad naaresto makaraan ang insidente ang driver ng truck na si Armando Cano, 35, nakatira sa Mahabang Parang, Angono, Rizal.

Sa imbestigasyon nina PO3 Elvis Mariquina at PO2 Joeniphir Jabagat, dakong 9 p.m. nang ararohin ng truck (RMK-542) ang anim na sasakyan sa M.L. Quezon Ext., sa Brgy. San Roque.

Sinasabing nawalan ng preno ang truck nang pababa na sa lugar.

Unang nahagip ang tricycle (QW-1985) na minamaneho ni Rebola, ang 60-anyos vendor, at kasunod na sinalpok ang tatlong tricycle (VL-2579, PV-4055, NW-2479), Mitsubishi Adventure (VCA-262) na nakaparada, at isang Isuzu pick-up na minamaneho ni Dela Paz.

Nakapiit na ang driver ng killer truck at nakatakdang sampahan ng kasong double homicide at multiple physical injuries and damage to property.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …