Sunday , December 22 2024

15 arestado sa QC drug bust

ARESTADO ang 15 katao na sangkot sa illegal na droga sa magkakahiwalay na drug bust operations ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), iniulat kahapon.

Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD director, kabilang sa mga naaresto sina Joel Liempos, 42; Rodolfo Dimaano, 44; Edgar Carisma, 39; Grace Rivera, 19; Jose Buenaventura, 25; Mark Dela Cruz, 25; at Norman Arañas, 23-anyos.

Ayon kay  Chief Inspector Robert Razon, hepe ng DAIDSOTG, naaresto dakong 8:30 p.m. nitong Hulyo 1, 2015, ang mga suspek sa 108 Compound sa Don Vicente St. kanto ng Don Primitivo St., Don Antonio Village, Brgy. Holy Spirit, Quezon City, makaraang bentahan nila ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Habang ang lima pang suspek na nadakip ng Masambong Police Station (PS-2) ay sina Jessniel John Bullos, 28; Nelson Herrera, 55; Jeluz Sayon, 33; Rolando Menor, 36; at Jeffrey Buhay, 42. Naaresto sila habang gumagamit ng shabu dakong 3 a.m. nitong  Hulyo 1, 2015 sa Brgy. Vasra, Quezon City.

Samantala, sa Brgy. Pasong Putik sa nabanggit ding lungsod, naaresto rin sina John Lemmon Garcia, 35, Mark Anthony Domiquil, 28; at Mariella Isla, 18-anyos.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *