Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Show ni Willie sa GMA, walang ingay

SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III . 

032315 willie

NAPANSIN naming tila wala nang masyadong interes ang mga tao sa bagong show ni Willie Revillame sa GMA tuwing Sunday, ang Wowowin.

Pagkatapos ng mataas nitong rating sa pilot episode noong Abril ay pababa ng pababa ang ratings ng show kahit wala namang problema si Willie sa management ng GMA.

Ang problema kasi sa Wowowin, 3:30 ng hapon ang time slot ng show na wala masyadong nanonood ng TV sa ganitong oras tuwing Linggo.

Mas mataas ang rating ng mga pelikula ng Star Cinema na itinapat ng ABS-CBN sa Wowowin, pati na ang mga laro ng PBA sa TV5.

Isa pa, bitin ang oras ng Wowowin na tumatagal lang ng isang oras kompara sa mga rati niyang shows sa Dos at Singko.

Hindi pa rin naman nawawala ang karisma ni Willie sa mga manonood pero mas malaki ang kanyang responsibilidad bilang producer, host, at blocktimer ng show ‘di tulad noon na co-producer siya kasama ng kanyang mga dating estasyon.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …