Sunday , December 22 2024

Same sex marriage magpapataas ng HIV/AIDS cases — Health official

 DAGUPAN CITY – Naniniwala si Department of Health (DOH)-Region I Director Dr. Myrna Cabotaje, isa ring sanhi sa pagtaas ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus Infection at Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa buong mundo, ang same sex marriage o pagsasama nang pareho ang kasarian.

Ayon kay Dr. Cabotaje, lumalabas sa data na ang pakikipagtalik ng isang tao sa kapareho niyang kasarian kasama na ang pakikipagtalik sa iba’t ibang partner, ay isang dahilan sa pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS buong mundo.

Ngunit dahil hindi na maiiwasan ang ganitong uri ng relasyon sa panahon ngayon na maraming mga bansa na ang pinapayagan ang same sex marriage, ipinayo ni Dr. Cabotaje sa mga nagmamahalahan na pareho ang kasarian na maging tapat sa kanilang partner at iwasang magpapalit-palit ng partner upang maiwasang mahawaan ng nakamamatay na sakit.

Nanawagan din siya sa lahat ng sektor na makipagtulungan upang mapalawak ang kaalaman ng bawat tao sa pag-iwas sa HIV/AIDS.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *