Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ritz at Jasmine, pantapat ng TV5 kina Maja at Kim

SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III .

070215 ritz jasmine Kim maja

NAGSIMULA nang umere ang bagong noontime show ng TV5, ang Happy Truck ng Bayan noong June 14 na muling magkasama ang magkumpareng Janno Gibbs at Ogie Alcasid.

Sa isang event ng TV5 ay nakita namin mismo ang bagong stage ng show na isang trak na dinadala ng estasyon sa iba’t ibang lugar kaya kakaiba ito sa ASAP 20 ng ABS-CBN at Sunday All-Stars ng GMA na dating show nina Janno at Ogie.

Maganda ang konsepto ng Happy Truck pero magastos ito dahil sa labas ng studio ginagawa at taped ito ‘di tulad sa mga kalabang show na live sa studio.

Malaking papel din para sa bagong show ng TV5 ang pagsali ng mga teen star ng estasyon tulad nina Ritz Azul at Jasmine Curtis-Smith na inaasahang isasabak sa mga dance number sa show.

Noong isang laro ng PBA ay nakita namin si Ritz na nakasuot ng shorts kaya may karapatan ang TV5 na itapat siya kina Maja Salvador at Kim Chiu ng ASAP at Iya Villania at Sam Pinto ng SAS.

Hasa naman si Jasmine sa pagsasayaw dahil sa kanyang pagiging host ng streetdance show na Move It sa TV5 din.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …