Monday , December 23 2024

PBB execs, ipinatawag ng MTRCB (Dahil sa kabi-kabilang reklamo…)

 

070115 Pinoy Big Brother PBB

00 fact sheet reggeeKASUSULAT lang namin dito sa Hataw kahapon ang tungkol sa mga negatibong komento ng netizens sa umeereng PBB 737 dahil kababata pa ay puro kaartehan at ligawan ang nangyayari.

Oo nga naman, mga edad 12 at 16 palang ay kung ano-ano na ang mga pinagsasabi bukod pa sa bromance nina Bailey at Kenzo. Nakitaan din ng holding hands at yakapan ang mga nabanggit na bagets.

Hindi naman pala ito nakaligtas sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil nakatanggap din sila ng reklamo mula sa manonood na hindi raw ito dapat pinalalabas lalo’t mga bata ang sangkot at napapanood din ito ng mga batang kasing edad nila.

Nagpadala ng sulat ang MTRCB co-chairperson, na si Mr. Ricardo Salomon Jr. noong Hunyo 29 sa mga ehekutibo ng Pinoy Big Brother para dumalo sa developmental conference concerning children’s rights and protection.

Inamin din ito ni ABS-CBN Corporate Communication Head, Kane Choa kahapon nang tanungin namin na may imbitasyon nga sa kanila ang MTRCB sa Hulyo 9.

Ang nakasaad sa ipinadalang sulat ng MTRCB ay, “We are writing because of the numerous feedback and complaints we have been receiving in connection with your television program Pinoy Big Brother 737 aired over ABS-CBN Channel 2, as well as over Sky Premium Channel 85;

“In this connection, and further to our developmental mandate to ensure that the best interest of the children are given primary consideration, we would like to invite you to a developmental conference on 09 ]uly 2015, at 2:00 p.m., at the MTRCB Adjudication Room, MTRCB Building, No. 18, Timog Avenue, Quezon City.

“In the said conference, we would like to know what safety measures you have in place so as to guarantee that no participant in your program is exposed to situations, challenges and experiences which may be prejudicial to his or her well-being or which may have a negative impact on the youth and other audiences who will be watching your show.”

Ang mga iniimbitahang PBB executives at production staff na dapat dumalo sa meeting ay sina business unit head Raymond Dizon, Cynthia Jordan, Mercee Gonzales, Charmaine Estrera, Jon Hall, Marcus Vinuya, Matthew Salegumba, at Marpua Engking.

Susme, mabuti na lang at pitong linggo lang ang PBB or else baka mas malala na ang mapanood natin ‘pag nagtagal pa sila, ‘di ba Ateng Maricris.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *