ni ROLDAN CASTRO .
WALA pa palang plano si Manny Pacquiao na mag-retire sa boxing kahit natalo siya sa huli niyang laban. Marami pa raw siyang kailangang i-consider at isipin. Pero nakikinig naman daw siya sa payo ng ilang kaibigan na mag-retire na siya. Pinag-aaralan daw niya at depende raw ito sa sitwasyon.
Tungkol naman sa kanang balikat niya, okey na raw ito. Naigagalaw na raw niya pero masakit pa ‘pag itinataas. Aabot pa raw ito ng mga five months bago tuluyang gumaling.
Samantala, ayaw pang i-reveal ng Pambansang Kamao kung ano ang kanyang political plan para sa darating na halalan sa 2016. Hindi pa raw nila napag-uusapang mag-asawa dahil matagal pa.
Sa ngayon ay Congressman ng Sarangani si Manny at nanunungkulan namang Vice Governor si Jinkee.
Wala pa raw desisyon si Pacman kung tatakbo ulit o baka mas mataas na posisyon. Iniisip din niya ang responsibilidad niya sa pamilya at mga kababayan niya. Nandoon pa rin ‘yung objective niya na tumulong sa mga tao.