Friday , November 15 2024

Korean nat’l  tiklo sa human trafficking

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Korean national na sangkot sa human trafficking, kamakalawa sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD director, kinilala ang naaresto na si Woo Jung Woo, 27, nakatira sa 16/F Avida Tower, Boni Serrano Ave., Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City.

Si Woo ay nadakip dakong 1 p.m. nitong Hunyo 30, 2015 sa entrapment operation ng mga awtoridad.

Ayon kay Pagdilao, ikinasa ang operasyon laban sa suspek batay sa reklamo ng isa sa mga biktimang babaeng 18 anyos. 

Sa imbestigasyon, ang suspek ay ilegal na nagre-recruit ng mga babae sa GMA, Cavite at pinangakuan ng trabahong masahista sa spa.

Ngunit imbes maging masahista, dinadala ni Woo ang mga nare-recruit niya sa condominium at ginagawang sex workers.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *