Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jiro, nawala sa sarili

 

UNCUT – Alex Brosas . 

jiro manio

NAHABAG kami kay Jiro Manio sa kanyang interview.

Clearly, parang wala siya sa sarili while being interviewed. At one point, napikon siya at tinabig ang mikropono ng nag-iinterbyu sa kanya. Pinatitigil na kasi niya ang interview niya at halatang pikon na pikon na siya.

At one point, sinabi niyang napadaan lang siya sa showbiz para kumuha ng intelligence at tapos na siya sa phase na iyon. Hindi na siya babalik pa sa showbiz.

Napabalitang nagpalaboy-laboy ang actor sa airport at tinutulungan na lang ito ng airport staff na nagbibigay sa kanya ng pagkain at pera in order to survive.

Awang-awa si Ai Ai delas Alas sa nabasa niyang post ng relative ni Jiro kaya naman nag-post siya ng ganito sa Instagram account niya: “Gusto ko po sana siyang tulungan. Pinahahanap ko na siya ngayon. Comment here ‘pag mayroon kayong info about him. God bless!”

“Nakakalungkot malaman na nakita daw sha sa airport na pagala gala at tulala. Umalis po sha dito sa bahay namen nung sabado ng gabi at di na bumalik hanggang sa nabalitaan nalang namen dito sa fb na nasa airport po pala sha. tingin po namen ay dumadaan po sha sa matinding depression dahil kahit po andito pa sha sa amin ay di po namen sha makausap ng maayos. lage po shang tulala at galit. gustuhin man po namin shang ipagamot, kapos din naman po kame. kaya taos puso po sana kaming humihingi ng tulong para po maipagamot na namen sha at ng di na po lumala ang kanyang kundisyon. PLEASE SHARE!

“salamat po!”

‘Yan ang Facebook message naman ng kamag-anak ni Jiro na si Jennifey Dyan Manio Enaje.

Marami ang nalulungkot sa nangyari kay Jiro. But it’s not too late para siya ay tulungan. Actually, ang feeling namin ay maraming celebrities ang tutulong sa kanya basta i-allow lang niyang tulungan siya. Maraming puso ang nahaplos ni Jiro when he did Magnifico.

Sana ay willing magpatulong si Jiro. Malaki ang kanyang potential bilang actor. It saddens us na nangyari ang nangyari sa kanya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …