Friday , November 15 2024

Graft case vs Biazon, ERC chair, et al inirekomenda na ng Ombudsman

PORMAL nang kinasuhan ng Office of the Ombudsman ang limang dating mga congressman, ang chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC) at iba pang opisyal dahil sa pagkakasangkot sa P10 billion pork barrel scam.

Batay sa limang resolusyon na may petsang Hunyo 26, 2015 ngunit kahapon lamang naisapubliko, iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang paghahain ng kaso laban kina dating Muntinlupa Lone District Rep. Ruffy Biazon, dating Rep. Rodolfo Valencia ng first district ng Oriental Mindoro, ex-Rep. Arrel Olaño ng first district ng Davao del Norte, dating Rep. Marc Douglas Cagas IV ng first District ng Davao del Sur, at dating congressman ng second district ng South Cotabato na si Arthur Pingoy Jr.

Pinakakasuhan na rin ang dating congressman ng Pampanga at ngayon ay incumbent chairperson ng ERC na si Atty. Zenaida Cruz-Ducut.

Bukod sa mga nabanggit, inianunsiyo rin ni Assistant Ombudsman Asryman Rafanan ang paghahain ng reklamo laban sa ilang opisyal ng Department of Budget and Management, Technology Resource Center, National Agri-Business Corporation, at mga opisyal ng ilang ahensiya na nagsilbi bilang tulay sa pagpapatupad sa pondo mula sa PDAF.

Pinagbasehan ng Ombudsman ang desisyon mula sa naunang reklamo sa second batch ng mga personalidad na inihain ng NBI at ni Atty. Levito Baligod.

Sinasabing nakinabang sa kickback si Biazon ng umaabot sa P1.95 milyon, si Valencia ay umaabot sa P2.4 milyon, habang si Olaño ay P3.175 milyon, Cagas nasa P5.54 milyon, habang si Pinggoy ay P1.055 milyon.

Sila ay nahaharap sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA No. 3019), malversation (Article 217), Revised Penal Code at direct bribery.

Aminado si Ombudsman Morales, sa ibang mga kaso ay nahihirapan silang makatipon nang sapat na ebidensiya dahil hindi na kasama ang state witness na si Benhur Luy sa nasabing usapin.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *