Sunday , December 22 2024

Garbage collection fee ibabalik ng QC gov’t

TINIYAK ng Quezon City government na ibabalik nila ang garbage collection fee na nasingil mula sa mga residente ng lungsod noong 2014.

Ito’y makaraan katigan ng Korte Suprema ang petisyong kumukuwestiyon sa ordinansang nagpapahintulot sa taunang paniningil sa paghahakot ng basura sa Quezon City dahil sa paglabag ng atas sa equal protection clause ng Konstitusyon maging sa local government code.

Taon 2014 nang unang naglabas ang Korte ng temporary restraining order (TRO) laban sa ordinansang nilagdaan ni Bautista noong 2013 sa layong tugunan ang pagkolekta sa malaking bulto ng basura sa lungsod.

Inilahad ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, ikakaltas ang nasingil na garbage collection fee mula sa amilyar o land tax ng mga residente sa susunod na taon.

Aniya, “Noong ipinatupad ‘yung ordinansa, sinimulan naming kolektahan tapos biglang kinasuhan. Ang nakolekta lang namin is about less than P50 million. Madali lang i-refund ‘yan na kapag ‘yung taxpayer magbabayad next year, ide-debit lang namin ‘yung siningil namin sa kanya last year.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *