Sunday , December 22 2024

Desisyon ng NLRC binalewala ng GMA — TAG

DUMULOG sa Kamara ang Talents Association of GMA (TAG) dahil sa ginagawang pagbabalewala ng GMA Inc., sa naging desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC).

Ayon kay TAG leader Christian Cabaluna, binastos ng nasabing kompanya ang ipinalabas na resolution ng NLRC na nagdedeklarang regular employees ang 107 plaintiffs na talent lamang ang status sa kasalukuyan.

Banggit ni Cabaluna, imbes tumalima ang GMA, hindi na pinapasok pa ang staff ng Reporter’s Notebook na mga miyembro ng TAG dahil paso na umano ang kanilang kontrata.“

Paso na raw kasi ang kanilang kontrata, imbes pabalikin sa network ang mga tinanggal nilang TAG members dati, dinagdagan pa ang inalis, e kung tutuusin regular na ang mga ‘yan dahil nanalo nga kami. Lumalabas talaga na walang galang sa labor code ang GMA,” pahayag ni Cabaluna.

Sinabi ni Rep. Emmi De Jesus, naghain na siya ng House Resolution 1893 na humihiling sa Committee on labor and Employment na imbestigahan ang mga reklamo.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *