SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III .
NAGPAKITANG-GILAS sa pagpapaseksi ang bagong Kapamilya na si Bela Padilla nang sumayaw ito sa ASAP 20 kamakailan kasama si Arci Munoz.
Ang production number ay paglulunsad sa dalawa bilang mga bagong talent ng Dos. Si Arci ay kasama sa Pasion de Amor samantalang malapit nang mapanood si Bela sa Ang Probinsiyano bilang leading lady ni Coco Martin.
Tiyak na mas magiging madalas ang page-guest ni Bela sa ASAP lalo na kapag may formal launch na ang Ang Probinsyano sa nasabing noontime show.
Dating naging Kapamilya si Bela dahil kasama siya noon sa Star Magic at ang ginamit niyang screen ay Krista Valle.