Saturday , November 23 2024

Ang evil na modus ng mga hao-shiao

00 Palipad hangin Arnold ataderoSA TOTOO lang, ang nagkalat na mga hao-shiao (peke)  sa  Customs ang pinakamalaking sakit ng ulo na hindi mabigyan-bigyan ng solution ng mga kinaukulan.

Imagine that?

Nariyan na magpanggap silang orga-nic personnel at tatagain lalo ang mga alien importer na gustong magtrabaho sa bansa sa pamamagitan ng importation. Marami rin lumuha na Koreans na winalanghiya ng mga hao-shiao.

Ito ay isang masamang reflection ng Customs police na dapat sana ay well-screen ang mga nasabing unwanted criminals.

Ang isang malaking kawalanghiyaan nila laban sa mga baguhang Korean ay hihingan ng pang-advance o kaya full payment ng taxes, customs duty at panggastos. Pero, bigla na lang sila mawawala.

Ang isa pang kawalanghiyaan ng mga hao-shiao na suwerte namang nabibigyan ng small item tulad ng pagiging contractual employee, every six months ang bisa.

Dahil nabola ng ibang scalawag na hao-shiao ang key office ng Aduana na ma-accommodate sila, sinu-werte namang nabigyan sila kahit na small item. Ito ay ginamit nilang passport para mandugas sa mga pobreng broker or consignee.

Mga biktima, may sala man o innocent.

Marahil dahil sa kawalan ng ACCESS sa mga big boss lalo na sa Intelligence Group, napaniwala sila na ang hao-shiao na nambobola sa kanila ay may direct contact sa mga big boss.

Kaya maghahatag ng tara kaysa legitimate man o hindi ang shipment nila. Ito ay naging ordinary nang gawain ng mga na-sabing scalawag.

Pero ang masakit nito, dahil sa pagi-ging ganid ng mga hao-shiao, mantakin ninyong nabigyan na sila ng regular tara, ipapasa pa sa iba namang Tara group. Mas lalo na nang sumulpot ang Task Force Pantalan.

Ang sumbong ng mga pobreng consignee or broker, ibinabato sila sa nasa-bing Task Force na hindi naman lahat dumaan sa screening. May mga ginutom din sa kanila.                 

Tulad na lang nitong isang sinibak na contractual employee na doble tara. Kasi nga ibinebenta niya ang kanyang sariling mga kliyente, player man o legitimate. Ang dahilan nga, ang kakulangan nila ng access sa mga big boss ng intelligence at marahil maging sa enforcement.

Para bang takot lumapit ang mga gustong magsumbong sa mga big boss, baka raw hindi sila pansinin. Besides, takot sila na maitimbre ng mga walanghiyang scalawag na hao-shiao na mayroong access sa kanila (big boss).

Kaya lagareng hapon ang ginagawa ng mga nasabing scalawag. Taga na regular at taga sa mga ahente ng task force na sasalo ng mga pobreng  port user.

Kaya naman pala lalong lumakas ang ‘pala-isdaan’ ng isang alyas Abu na nga-yon ay hindi tatantanan dahil sa paggamit ng Intellignece Group sa ilalim ni Deputy Commissioner Dellosa sa kanyang mga shakedown activity.

Suwerte nga si alyas Abu, base sa kanyang mga bank book na nasilip ng intelligence, milyon-milyon na pala ang kanyang ‘savings’ kaya maghanda ka na sa Anti-Money Laundering at sa BIR.

Kaunting accessibility nman sa mga ex-militar na naka-assign sa Customs. Dahil sa takot na dumeretso sa mga biktima ng extortion ng mga hao-shiao, mas lalo pang lumakas ang pangungurakot.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *