Saturday , November 23 2024

60,000 negosyo sa QC malulugi sa delayed FSIC?

00 aksyon almarTAMA lang ang ginagawang paghihigpit ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagbibi-gay ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) sa mga negosyante matapos ang trahedya sa pabrika ng Kentex.

Walang’ya naman, kung hindi pa nangyari ang trahedya ay hindi pa maghihigpit ang BFP. Lol!

Ngunit, ano itong info – totoo kaya ito? Kaya naghihigpit ang BFP ay dahil sa kautusan ng isang alyas “Mr. Abnoy.” Utos niya’y, walang bi-bigyan ng Business Permit kapag wala pang FSIC ng mga bom-bero upang makatiyak na ligtas sa sunog.

Well, tama naman. I hope, hindi pinagkakakitaan ang FSIC na ito ha. Ewan!

Ang nakatatawa, parang natataranta ang BFP sa mala-bossing na utos ni Mr. Abnoy. Oo, lintek din kung tumugon ang bombero kay Mr. Abnoy!  Iniyayabang naman ng BFP na kayang-kaya raw nila ang pagsasagawa ng inspeksiyon bago big-yan ng Business Permit ang mga negos-yante.

Good, kung magkaganoon. Palakpakan natin ang BFP.

Sa ibang lugar siguro puwede, pero sa malalaking siyudad gaya ng Quezon City na mahigit 60,000 negosyo ang kailangan muna ng FSIC bago bigyan ng permit. Ang dami nito ha! Kailan kaya ito matatapos ng BFP?

Ayon kay QC Business Permit and Licensing Office (BPLO) chief Garry Domingo,  handang-handa naman ang kanyang ahensiya na sundin ang bawat batas at alituntunin sa pagbibigay ng Business Permit.

Dapat lang!

Lamang, ang nagiging problema ay gustong ipatupad ng bombero ang pagbibigay ng FSIC pero ikinakalso nila ang mga kawani ng lokal na pamahalaan tulad na lamang sa Quezon City. Meaning parang itinuturong problema ang lokal na pamahalaan.

Ganoon nga iyon!

Pagbali-baliktarin man ang Kyusi,  ang BFP ay kulang sa tauhan kaya malamang na magkaroon ng problema sa FSIC. Magkakaroon ng antala sa pagbibigay ng Business Permit dahil sa mga bombero pero ang sisisihin nila, mga kawani ng QC BPLO.

Ito pa ang siste!  Dahil salat sa tao ang BFP diyan sa Kyusi, pumayag sila na magbayad muna ang mga negosyante para sa FSIC bago bigyan ng Business Permit.  Bayad lang… wala pa rin inspeksiyon ang mga damuho!

Naantala ang BPLO sa pagbibigay ng Business Permit para sa kagustuhan ng bombero ng Kyusi na magtungo muna ang mga negos-yante sa tanggapan ng BFP upang magbayad lang para sa FSIC. Tama ba iyon, bayad muna bago inspeksyon? Hindi ba inspeksyon muna bago bayad?

Supt.  Jesus Fernandez, QC Fire chief, maganda iyan, ipinatutupad ang paghihigpit pero paano ‘yan, kulang kayo sa tao. Alalahanin ninyo, 60,000 establisimyento ang mayroon sa Kyu-si. Kaya ba ninyong tapusin ‘yan sa loob ng isang buwan o higit pa? Aba’y paano na ang mga ne-gosyante – paktay ang negosyo sa QC ang magi-ging resulta nito.

Kapos kayo sa tao sir, kaya dapat gumawa kayo ng paraan para mapabilis ang inspeksyon – sir, 60,000 po ang bilang ng establisimyentong nangangailangan ng FSIC sa QC, kaya ba ninyo? Paano ninyo mamadyikin?

Kaya Kernel, bantayan mo ang mga ins-pector ninyo, baka madyikin nga nila ang FSIC. Yes, bukol ang aabutin ninyo sir kapag minadyik nila ‘yan.

Kawawang mga negosyante ng QC, malamang malaki ang mawawala sa kanila dahil sa pagkakaantala ng FSIC. Siyempre, sino ang may kagagawan ng pagkaantala? Ang kakulangan ng tauhan ng BFP.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *