Sunday , December 22 2024

Purisima, 10 pa ipinasisibak ng Ombudsman

IPINASISIBAK ng Office of the Ombudsman si resigned PNP Chief Alan Purisima at 10 iba pang dawit sa pag-apruba sa maanomalyang kontrata sa WERFAST Documentary Agency noong 2011.

Sa 50 pahinang consolidated decision na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sinasabing nakakita nang sapat na batayan ang anti-graft body para tanggalin ang dating PNP chief at kanyang mga kasamahan.

Kasong grave misconduct, serious dishonesty at grave abuse of authority ang kinakaharap ng police officials.

Diin ng Ombudsman, kailangan ipatupad ang dismissal sa lalong madaling panahon.

Kabilang sa iba pang ipinasisibak sina Chief Supt. Raul Petrasanta, Chief Supt. Napoleon Estilles, Senior Supt. Allan Parreño, Senior Supt. Eduardo Acierto, Senior Supt. Melchor Reyes, Supt. Lenbell Fabia, Chief Insp. Sonia Calixto, Chief Insp. Nelson Bautista, Chief Insp. Ricardo Zapata Jr., at Senior Insp. Ford Tuazon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *