Sunday , December 22 2024

Disqualification vs Smartmatic-TIM binaliktad ng Comelec

BINALIKTAD ng Comelec en banc ang disqualification na ipinataw ng Bids and Awards Committee para sa uupahang 23,000 bagong election machines na kasama sa pagpipilian na gagamitin sa Eleksyon 2016.

Sa botong 4-2-1, pinagbigyan ng Comelec En Banc ang apela ng Smartmatic-TIM na kumukuwestiyon sa ginawang pagbasura ng BAC sa kanilang motion for reconsideration.

Sa resolusyon na may petsang Hunyo 29, 2015, idineklara ng mayorya sa Comelec en banc na ang Smartmatic-TIM ang may pinakamababang calculated responsive bid para sa proyekto.

Kinatigan ng en banc ang naging findings ng technical evaluation committee na kaya ng makina ng Smartmatic-TIM na sabay na makapag-save ng election data sa dalawang storage devices.

Ibig sabihin, nakapasa ang Smartmatic-TIM sa technical requirement na itinakda ng poll body para sa 23,000 uupahang makina.

Kasabay nito, iniutos ng Comelec en banc ang pagkansela sa nakatakdang pagbubukas ng financial document para sa ikalawang bidding na itinakda ng BAC para sa nasabing proyekto.

Dahil dito, dapat din anilang isauli ang ibinayad ng mga bidder na bumili ng bidding document para sa ikalawang round ng bidding.

Matatandaan, nang pagpasyahan ng Comelec-BAC ang bidding proposal ng Smartmatic-TIM, bukod sa technical requirement, sinasabing nabigo rin ang bidder na makapagsumite ng valid articles of incorporation.

Ngunit sa motion for reconsideration ng Smartmatic-TIM, binaliktad ng BAC ang nauna nitong desisyon sa aspeto ng articles of incorporation at idineklara na sapat at kompleto na ang mga dokumentong isinumite ng Smartmatic-TIM.

Dahil dito, ang tanging dinesisyonan na lamang ng Comelec en banc ay aspeto ng techinical requirement ng makima ng Smartmatic-TIM.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *