Friday , November 22 2024

Barangay, kinakalakal  ni Chairman “Burikak”

00 Kalampag percyMAITUTURING na mas disenteng ‘di hamak ang isang prostitute kaysa isang pusakal na barangay chairman sa Maynila.

Ang prostitute kasi ay sarili lang ang pinipinsala, pero iba ang pagkaburikak ng isang barangay official dahil ang kakapiranggot niyang puwesto sa barangay ang ginagamit para magkamal sa pangongotong sa illegal vendors at illegal terminal.

Ikinokompromiso ni Chairman ang opisina ng barangay sa pansariling kapakanan kahit walang constituents.

Dahil parang balon ng kuwarta ng barangay official ang mga illegal vendors at illegal terminal sa lugar na kanyang pinamumunuan.

Ang problema lang ay kung idineklara ba niya sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) lalo na’t kilala siyang may “shady character.”

Hindi maikakaila ni Chairman ang mantsado niyang pagkatao lalo na’t ang mga binuno niyang mga kaso ay extortion at murder, na walang kinalaman sa pagiging Punong Barangay niya.

Ang dapat ipaliwanag nitong si Chairman Burikak ay kung paano siya nagkamal ng apat na condominium units na inookopahan sa Malate.

Kasama kayang idineklara ng punyeta ang property sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN)?

Kaya nga napahalakhak ako sa pakikialam sa aking propesyon ni Chairman, partikular sa mga kasong libel na aking kinakaharap.

Dapat isaksak ni Chairman Burikak sa kanyang kukote na hindi ko kailangan ang kanyang malasakit kung magkaroon man ako ng kasong libel.

Ako ay pangkaraniwan at pribadong mamamayan na walang public accountability o dapat panagutan bilang opisyal ng gobyerno.

Marangal ang propesyon ko na isang lehitimong mamamahayag na instrumento ng katotohanan.

Hindi gaya ni Chairman Burikak na makapagpanggap lang na taga-media ay nagbabayad ng ghost writer para makapagpalathala ng kolum para gamiting proteksiyon sa kanyang illegal activities at magsipsip na parang linta na walang kabusugan sa mga  mandrambong.

PWE!!!

Anarkiya sa Makati City ginagawang hanapbuhay

NAKAHIHIYA ang pagiging sinungaling ni Sen. Nancy Binay. Inaapi raw ang kanyang pa-milya ng administrasyon at hindi raw kinikilala ng PNoy administration ang “rule of law.”

Susmaryosep, kitang-kita naman ng buong mundo na ang pamilya Binay ang walang respeto sa “rule of law.”

Ilang beses silang inanyayahan na dumalo sa Senate hearing para sagutin ang alegasyon ng korupsiyon sa kanila pero hindi nila sinipot.

Ayaw din nilang kilalanin ang dalawang preventive suspension order na inilabas ng Ombudsman laban kay Mayor Junjun at maging ang mga pulis at taga-DILG ay dinahas ng kanilang mga kampon nang isilbi ito.

Nakahihiya ang hitsura ni VP Binay na nambu-bully ng mga unipormadong pulis samantalang ginagampanan lang naman nila ng tungkulin na panatilihin ang peace and order sa Makati City Hall.

Mas kursunada ng mga Binay na gastusan ang mga ‘Binayaran’ o mga taong bayaran ng mga Binay para gamitin nilang proteksyon sa kanilang illegal na pagkukuta sa city hall.

Ang mga ‘Binayaran’ ang matibay na ebidensiya na bigo ang mga Binay na iangat ang antas ng pamumuhay ng mahihirap sa Makati City sa nakalipas na 29 na taon.

Ito’y dahil mas gusto ng mga Binay na manatili silang pobre para may makombinsi sa pagpapairal ng anarkiya sa lungsod ngayon.

Para sa angkan ng mga Binay, sila ang batas, at ang tawag diyan ay diktadura.

Ganyan ba ang sistemang gustong pairalin ni Binay sa buong bansa?

Si VP Binay ay isang klasikong halimbawa ng isang pekeng aktibista na ginamit lang ang kilusang anti-Marcos na tuntungan para magpayaman, magpasasa at mangunyapit sa kapangyarihan.

Ang pagtatalaga kay Binay bilang OIC ng Makati noong 1986 ang pinakamalaking pagkakamali ni dating Pres. Cory Aquino.

At ang mga Binay ang pinakamatibay na dahilan kung bakit dapat ipasa ang Anti-Political Dynasty Bill sa Kongreso.

PNoy, Mar takot kay Binay?

MAS may paninindigan pa si dating Pangulong GMA kay PNoy.

Ilang oras pa lang illegal na nagkukuta ang tropang Magdalo sa Manila Peninsula noong Nobyembre 2007 ay pinasok ng tangke ang lobby ng hotel.

Walang nagawa ang mga rebeldeng sundalo kundi sumuko sa mga pulis at ang mga Binay na nangako ng suporta sa kanila ay nanahinik at nabahag ang buntot.

Ang insidenteng ito ang nagpatunay na hindi talaga oposisyon si Binay noong panahon ni GMA kaya naman magkaalyado sila ngayon laban kay PNoy.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *