Saturday , November 23 2024

Bad example sa ‘di pagpatupad sa batas ang mag-amang Binay

00 pulis joeyANG isang tao na naghahangad maging li-der ng bansa ay dapat punong-puno ng kabutihan – magalang, mapagkumbaba, maka-Diyos, makatao, malinis ang pagkatao at higit sa lahat marunong sumunod sa mga batas ng bansa.

Ito sana ang gusto nating makita sa presidentiable na si Vice Mayor Jojo Binay at sa kanyang mga anak na nasa politika o nakapuwesto sa gobyerno.

Pero tila wala sa pagkatao ng mag-amang Binay – VP Jojo at anak niyang si Makati Mayor Junjun – ang kahit basic requirements na hanap natin, ang sumunod sa ating mga batas.

Lunes, Hunyo 29, ibinaba ng Office of the Ombudsman ang pangalawang suspension order ni Mayor Binay kaugnay ng iniimbestigahang katiwalian sa pagpatayo ng Makati Science High School.

Pero tumanggi si Mayor Binay na bumaba sa puwesto. Hindi  raw siya aalis sa kanyang tanggapan hangga’t hindi nareresolba ang kaso. Tapos pinabarikadahan uli nila ng kanilang mga mukhang sangganong supporters sa labas ng Makati City Hall.

Kahapon ng madaling araw, nagkagirian ang mga anti-riot police at mga supporter ng mag-amang Binay. Nakunan pa ng larawan kung paano duru-duruin ni VP Binay ang kumander ng anti-riot squad na si Sr/Supt. Elmer Jamias. Kinuwel-yohan ang ilang mga pulis. Parang hindi Vice Pre-sident ng bansa ang inasal ni Jojo dito. Maraming pulis ang nasugatan sa kaguluhan.

Magsasampa nga raw ng kaso sa Ombudsman sina Kernel Jamias na nabura yata ang make-up sa kaguluhan. Hahaha…

Una nang binabaan ng suspension order ng Ombudsman si Mayor Binay few months ago, kaugnay naman iyon sa kaso ng ovepriced ng bilyones na Makati Parking Building 2. Hindi rin sinunod ng alkalde ang naturang suspension, sa halip ay kumuha ng TRO sa Court of Appeals, na ayon kay Senador Antonio Trillanes ay kumita ng P20-M ang dalawang Justices na nagbigay ng TRO. Nasa Korte Suprema pa ang pagresolba sa kasong ito.

Noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo, maaalala na binabaan din ng suspension order ng Ombudsman ang noo’y mayor palang na si  Vice President Binay dahil din sa katiwalian. Hindi rin niya ito sinunod. Nagbihis pa siya ng unipormeng pandigma ng sundalo.

Oo, wala pa tayong natatandaan na sinu-nod na batas si VP Binay. Bad example nga sila sa hindi pagsunod sa batas.

Sa mga patawag sa kanya sa senate inquiry tungkol sa mga kinakaharap nilang kaso ng katiwalian, hindi niya ito sinipot.

Hinamon niya ng debate si Trillanes. Nang kumasa ang Senador, umatras si VP Binay. Ayaw n’ya na raw. Hehehe…

Sa pagiging overstaying President ng Boy Scout of the Philippines na ngayo’y iniimbestigahan din sa katiwalian, hindi rin niya sinasa-got.

Aba’y kung ganitong klase ang ating magi-ging Presidente pagkatapos ni PNoy, tiyak wala na siyang igagalang na batas! Baka mas matindi pa sa diktador na si Marcos!

Gusto n’yo ba ng ganitong uri ng lider? Tsk tsk tsk…

Ang pag-asenso ng bansa nakasalalay sa botante/mamamayan

– Gud am, Sir Joey. Alam nyo ang pag-asenso at katahimikan ng ating bansa, nakasalalay din sa Pilipinong mamamayan, sa matalinong kaisipan sa pagpili ng karapat-dapat na mamuno. Sa Israel po, walang kapatid, kumpare o re-latives… pag alam di deserving mamuno ng bansa nila, ‘di nila iboboto. Wala pong korap, walang abuso namumuno. Yung President nga nang-harash ng employee, after few months baba agad ang hatol, 15 years impresonment. Dito sa atin maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga katiwalian, mga korap, pag nag-reelect binoboto uli. – 09483509…

Totoong-totoo ang text na ito ng ating reader. Ganito ang gusto nating maging attitude ng ating mamamayan o botante. Sana mag-ala Isarel tayo sa Mayo 2016 election.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *