Sunday , December 22 2024

Sun Cellular inilalampaso ang kalabang network sa taas ng bilang ng postpaid subscribers (“Empower Filipinos with much better choice for their mobile services”)

KOMPIYANSA ang pamunuan ng Sun Cellular na buong taon na matatabunan ang kalabang network pagdating sa dami ng postpaid subscribers.

Noong 2014, ang Sun Cellular ang fastest growing postpaid brand ng bansa matapos magtala ng 16% paglago ng postpaid subscribers kompara sa 12% ng kalabang network.

Ayon sa PLDT, ang parent firm ng Sun Cellular, nagawa nitong dominahin ang mobile postpaid segment sa unang quarter ng 2015 dahil na rin sa 18% na paglago ng kanilang postpaid subscribers sa kabila ng mahigpit na kompetisyon sa mobile telecommunications.

Sa katunayan, ang kalabang network ay mayroong 9% year-on-year growth pagdating sa post paid subscribers nito.

Sinabi ni Sun Vice President Joel Lumanlan na ang feature-packed postpaid plans na nagbibigay sa mga consumer ng unbeatable value for money ang nagtutulak na lalo pang pagandahin at palakasin ng Sun ang serbisyo para sa kanilang mga subscriber.

Naniniwala ang VP ng Sun Cellular na maipagpapatuloy ang momentum na ito dahil sa mga produktong kanilang inihahain na tiyak na magugustuhan ng mga Filipino na naghahanap ng sulit at kalidad na serbisyo sa telecommunications.

“Empower Filipinos with much better choice for their mobile services,” idinagdag ni Lumanlan na ito ang kanilang simpleng estratehiya upang makapaghatid ng kalidad na serbisyo sa kanilang subscribers.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *