ANIK-ANIK – Eddie Littlefield .
NAKAE-EXCITE panoorin ang The Breakup Playlist nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo dahil first time silang magtatambal sa pelikula under Star Cinema na directorial debut ng award -winning director Dan Villegas. With the script developed and written by Antoinette Jadaone na kilala bilang breakout romantic-comedy director ng 2014.
Sa trailer palang, mararamdaman mo ang character na pino-portray nila bilang Gino (Piolo) at Trixie (Sarah).
Thankful si Direk Villegas sa Star Cinema sa tiwala at suportang ibinigay sa kanya para maidirehe ang dalawang box-office King and Queen. Hindi nagdalawang isip sina PJ at Sarah na tanggapin ang offer. Kakaiba kasi ang istorya at first time silang gaganap sa ganoong klase ng role na pareho silang singer ng band.
Ayon kay Sarah, hindi mawawala ang passion niya sa music. Sa pagiging singer siya nakilala at sumikat bago naging artista. As always, ang pagmamahal sa pamilya ang first priority niya. Sabi nga ng Pop Princess, nasa tamang edad na raw siya para mag-decide sa sarili. Sa takbo ng kanyang personal life, obvious naman na very much happy ngayon ang dalaga sa relationship nila ni Matteo Guidicelli. Binigyang laya na rin siya ng pamilyang pumili ng lalaking mamahalin.
Ikinuwento ni Sarah ‘yung character na ginagampanan niya sa pelikula. Adult singer siya rito na nai-inlove kay Gino. It’s a love story na umiikot sa character nila na isang bokalista na ni-recruit ni Gino para maging singing partner. May chemistry silang dalawa on stage hanggang humantong sa real-life romance. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa insecurities ni Gino, iniwan ni Trixie ang banda. Maraming taon ang lumipas at muling nag-krus ang kanilang landas. Maraming twist ang pelikula na nangyayari in real life, hindi lang sa pelikula.
Kahit hindi inamin nina Sarah, Piolo, at Direk Dan na may kissing scene na naganap sa pelikula, very passionate raw ang first kissing scene ng dalawa. Kikiligin ang kanilang fans habang pinanonood sa big screen.
DIREK VILLEGAS, SENSITIVE DIRECTOR
Pawang papuri ang binitawang salita nina Piolo at Sarah sa kanilang director na si Villegas. “Kakaiba si Direk Villegas, iba ‘yung atake niya sa mga character. Mature kasi ‘yung story namin, may say ang bawat isa sa amin mag- share para mas lalong mapaganda at maging makatotohanan ‘yung character na pino-portray namin sa pelikula sana po mag-work,” sabi ng singer-actress.
“I worked with Direk Villegas so many times as a cinematography. First time as a director, magaling siya as a director, he’s very sensitive. Hindi siya nagpadala sa intimidation, pressure. Kung minsan nga nakakaawa dahil hindi na siya natutulog. Mabuti na lang mayroon siyang girlfriend (Antoinette Jadaone) na writer. Ang sarap nga nilang panoorin … Masarap katrabaho si Direk, open siya sa mga suggestion hindi lang sa creative. Na- challenge nga ako kay Direk Olivia Lamasan to remind my character’s back story, right scene for the movie, so magandang exercise kapag nagpa-practice para sa pagbuo ng kuwento namin ni Direk Dan. Marami kaming pinag-usapan, tinalakay kung paano mapagaganda ‘yung trabaho namin. Kailangang pareho kami ng vision para maging clear ’yung message ng pelikula. Hats off ako kay Direk,” dugtong naman ni PJ.
Inamin ni Piolo na he’s more than an actor than a singer kahit kinarir nito ang pag-aaral ng guitar para lalong mabigyan ng justice ‘yung role niya as a lead singer-guitarist ng band. “I always see myself as an actor more than a singer. ‘Yun naman talaga ang forte natin. I’m not comfortable singing in a big venue, hindi ‘yun ang comfort zone ko. Mas gusto yatang umarte pero it’s a blessing something like this na ginawa ko.”
TAMBALANG PINAG-AAGAWAN NG KAPWA ARTISTA
Para kina Piolo at Sarah, walang secret formula kung bakit bawat artista ay nangangarap na makatrabaho sila. “Mahirap i-define ‘yan. Siguro sa akin ang contribution ko sa isang pelikula, I think my heart. Hindi ko iisipin kung sino ako kung ano ako. Basta I’ll do my best ‘yun ang sa akin,” pahayag pa ni PJ.
“Wala naman talagang sikreto, siguro ang talagang sikreto ‘yung commitment mo ‘yung puso mo ‘yung portrayal mo na kahit anong role ang ibigay sa ‘yo magagampanan mo ng tama,” sambit naman ng Pop Princess.
First time nagkatrabaho ang mag- real life sweetheart na sina Direk Villegas at writer -director Antoinette sa isang pelikula. Nag-click ang working relationship kahit magkarelasyon. “Dapat siguro may collaboration kayo ng director. Alamin mo kung sino ang director. Kagaya rito sa pelikulang ito, writer niya ako, sa bandang huli, siya pa rin ang may final say. Nagkataon lang na girlfriend niya ako,” paliwanag ni Antoinette.
Ang The Breakup Playlist ay isang modern-day romance showing on July 1.