Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagsasama nina Gabby at Sharon, laging nauudlot

 

TALBOG – Roldan Castro . 

063015 Sharon Gabby

KAPANSIN-PANSIN sa interbyu ni Gabby Concepcion sa programang Showbiz Galore radio program nina Rodel Fernando at Perlita Uy sa DWBL na tila matipid ang mga sagot niya ‘pag si Sharon Cuneta ang pinag-uusapan.

Hindi rin niya gaanong nababanggit hindi gaya ni Janice De Belen na kinantahan pa niya ng Iisa Pa Lamang. Hiningan kasi siya ng sampol ng kanta na may konek sa kanyang naging leading lady.

Marami ang nagtatanong na mga listener kung si Janice ba ang greatest love ni Gabby base sa lyrics ng Iisa Pa lamang?

Nabanggit din niya sa panayam na sobrang nami-miss niya si Janice dahil hindi na sila nagkakasama sa trabaho.

Nagtataka rin siya na sa rami ng offers na magsasama sila ni Sharon, hindi rin natutuloy.

Malay natin, sa napipintong panggawa ng teleserye ni Sharon, si Gabby ang maisipang leading man ng ABS-CBN 2.

Pak!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …