UNCUT – Alex Brosas .
NAGAGALIT si Kris Aquino kapag may pumupuna sa kanya lalo na sa kanyang anak na si Bimby.
Pero ang tila hindi niya nalalaman ay siya rin naman ang may kasalanan. Lahat na lang ng galaw nilang mag-ina ay ipino-post niya sa social media kaya ayan napipintasan tuloy siya at si Bimby.
Sa latest post ni Kris, sinabi nitong may rule siya kay Bimby na kapag kinausap niya ito in Filipino ay dapat sasagot din ito ng Tagalog.
“I’m home… 1 hour before I need to leave for ABS. We’ve been practicing our conversational Filipino. My new rule w/ Bimb: pag kinausap ko sya ng straight Tagalog, dapat straight Tagalog din ang sagot nya.
Kris: Sinong mahal mo?
Bimb: Siempre, ikaw.
Aaaaayyyy- * #ýTunawAngPuso,” mensahe niya.
Naku, lahat na lang ng drama ay na kay Kris na, ‘no!