Sunday , December 22 2024

2nd suspension vs Junjun B inilabas na ng Ombudsman

SA pangalawang pagkakataon, naglabas ng suspension order ang Office of the Ombudsman laban kay Makati Mayor Junjun Binay kaugnay ng kasong graft hinggil sa sinasabing overpriced na pagpapatayo ng gusali sa Makati.

Ayon sa tanggapan ni DILG Sec. Mar Roxas, natanggap ng DILG ang kautusan ng Ombudsman laban sa alkalde dakong 10:10 a.m. nitong Lunes.

“It is part of regular DILG work so ipinaubaya ko na sa DILG Regional Office to,” ayon kay Roxas.

Ngunit mayroon aniyang sariling tauhan ang Ombudsman na tumungo sa Makati City Hall para ipatupad ang suspension order.

Ito na ang ikalawang suspension order na inilabas ng anti-graft court laban sa alkalde, ang una ay noong Marso kaugnay ng kaso sa sinasabing overpriced na Makati City Hall Building II.

Gayonman, hinarang ito ng Court of Appeals sa loob ng 60 araw.

‘Di ako aalis ng Makati City Hall  — Mayor Junjun

IGINIIT ni Makati City Mayor Junjun Binay na hindi siya aalis ng Makati City hall sa kabila nang inilabas na suspension order ng Office of the Ombudsman laban sa kanya kaugnay ng sinasabing maanomalyang konstruksiyon ng Makati Science High School building.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Binay na ang pangalawang suspension order laban sa kanya ng Ombudsman ay bahagi pa rin ng “demolition job” laban sa kanyang ama na si Vice President Jejomar Binay, nagdeklarang tatakbo bilang pangulo sa 2016 presidential elections.

“Hindi kami makakukuha ng patas na pagtrato sa administrasyon lalo na sa Ombudsman na bahagi ng conspiracy, sa conspiracy po nila laban sa aking ama,” wika ni Binay.

Bago inilabas ang suspension order ay nabalitaan na raw ito ni Binay mula sa isang kilalang negosyante na nagsabing sa loob ng dalawang linggo ay masususpinde siya.

Nilinaw ni Binay na hindi pa niya natanggap ang suspension order ng Ombudsman.

Kahapon ay nagtungo sa Makati City hall ang ilang tauhan ng Ombudsman para ipatupad ang suspension order ngunit walang tumanggap ng kautusan ng anti-graft court.

Habang umiinit ang usapin sa suspension order laban sa alkalde ay daan-daang mga tagasuporta ni Binay ang nagtipon-tipon sa paligid ng Makati City hall.

Isyu ng korupsiyon ‘di kayang sagutin ni Binay — Palasyo (Kaya inaatake si PNoy)

HINDI kayang sagutin ni Vice President Jejomar Binay at ng kanyang mga kaalyado ang mga alegasyon ng korupsiyon at ill-gotten-wealth laban sa kanya kaya nila inaatake si Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang buwelta kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa araw-araw na pagbira ni Binay sa Pangulo mula nang magbitiw sa gabinete noong Hunyo 22.

Sinabi ni Lacierda, ginagawang palusot ni Binay sa isyu ng katiwalian ang politika imbes sagutin ito base sa mga ebidensiya.

“He continues to attack the President because he refuses to answer convincingly all allegations of corruption and ill-gotten wealth against him. We have yet to hear a response other than politika lang ‘yan,” aniya.

Tiniyak ni Lacierda na hindi mababahag ang buntot ng Palasyo sa mga ipinapakalat na kasinungalingan ng kampo ni Binay at hinamon pa sila na ilabas ang kanilang mga ‘bala’ laban sa Pangulo.

“So we say to his camp in dishing out lies against the president – Bring it on,” sabi ni Lacierda.

Taliwas sa inginangawang bad governance ni Binay, mismong ang Bise-Presidente aniya ay kinikilala ang magagandang nagawa at repormang ipinatupad ng Pangulo at naniniwala na dapat ituloy ito kahit tapos na ang termino ng administrasyong Aquino.

“On bad governance, he was with us for almost 5 years, where were his proposed solutions as a Cabinet member? Bad governance? Let me quote you the exact words from his own mouth. We also need to acknowledge the positive impact of the reforms initiated by president Aquino. These reforms triggered renewed interest in the Philippines and a re-appraisal of our economic potential. We therefore make our commitment to continue and, if needed, expand the reforms initiated by president Aquino beyond 2016. So, who continues to tell lies? The Vice President then or the Vice President now?” ani Lacierda.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *