Sunday , December 22 2024

2 tauhan ni binay nasa PH pa (Ayon sa BI database)

HINDI pa nakalalabas ng bansa ang dalawang tauhan ni Vice President Jejomar Binay na iniuugnay din sa sinasabing katiwalian sa konstruksyon ng Makati City Hall Building II.

Ito ay kung pagbabatayan ang lumabas sa database ng Bureau of Immigration.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, agad niyang ipinabusisi sa Bureau of Immigration ang database ng kawanihan nang iulat ni Senador Antonio Trillanes na wala na sa Filipinas sina Gerry Limlingan at Eduviges Baloloy at sila ngayon ay pinaghahanap na ng International Police.

Ipinaliwanag ni De Lima, batay sa database ng BI, si Gerardo Simpao Limlingan Jr., may birthdate na Abril 11, 1942 ay huling umalis ng Filipinas noon pang Oktubre 11, 2003 at nakabalik sa bansa noong Oktubre 17, 2003.

Habang si Eduviges Duenas Baloloy, may birth date na Oktubre 17, 1950 ay huling umalis ng Filipinas noong Setyembre 2, 2014 at nakabalik noong Setyembre 6, 2014.

Gayonman, nilinaw ni De Lima na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na dumaan ang dalawang tauhan ni Binay sa backdoor o ‘di kaya ay bumiyahe sa pamamagitan ng chartered plane o private plane.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *