Sunday , December 22 2024

2 karnaper todas sa parak

PATAY ang dalawang hinihinalang karnaper makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Mindanao Avenue, Brgy. Talipapa,Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Supt. Ariel Capocao, hepe ng QCPD Talipapa Police Station 3, kay QCPD director, Chief Supt. Joel Pagdilao, patuloy pa rin kinikilala ang dalawang napatay na mga suspek.

Ayon kay PO2 Reynandy Tagle ng Station 3, dakong 12:20 a.m. nang maganap ang insidente sa underpass sa kanto ng Mindanao Avenue at  Quirino Highway, Brgy.Talipapa, sa lungsod.

Sakay ang mga suspek ng puting Mitsubishi L300 na walang plaka sa harap habang sa likod ay TRD-340.

Sinita ng mga operatiba ng QCPD-Anti Carnapping Unit ang mga suspek sa Mindanao Avenue kanto ng Road 20, Brgy. Bahay Toro, ngunit imbes huminto ay pinaharurot pa ang sasakyan dahilan para habulin sila ng mga operatiba.

Inabutan ang mga suspek sa underpass ng Mindanao Avenue kanto ng Quirino Highway ngunit imbes sumuko ay pinaputukan ang mga pulis dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Makaraan ang palitan ng putok, tumimbuwang na walang buhay ang mga suspek na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *