Friday , November 15 2024

Tama si Binay sa pagkakataong ito

USAPING BAYAN LogoKAHIT ano pa sabihin nila ay tama ang sinasabi ni Vice President Jejomar Binay na may ipina-iiral na selective justice ang administrasyon ng espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng pag-usig sa mga sinasabing corrupt sa pamahalaan.

Ipagpalagay na natin na “politically motivated” ang pahayag ni Binay kamakailan pero hindi tamang isipan na komo “politically motivated” ang kanyang statement ay mali na agad ito at hindi dapat pakinggan. Kailangang maunawaan natin na may mga pagkakataon na yung mga politically motivated statements ang nagsasabi ng katotohanan.

Kung mapapansin ninyo tanging mga oposisyunista lamang tulad nila Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon Revilla ang inuusig kaugnay ng mga anomaly sa Priority Development Acceleration Fund o PDAF gayong maraming maka-administrasyon na senador, kongresista at miyembro ng gabinete ang nadawit dito. Kung hindi selective justice yan ay ewan ko kung ano ang tawag dyan.

Bukod pa ron ay may mga ilang pinuno ng mga tanggapin ng pamahalaan na positibo sa iba’t ibang anomalya pero hanggang ngayon ay walang kasong isinasampa laban sa kanila. Kung hindi selective justice yan ay ewan ko kung ano ang tawag dyan.

Malinaw na tama si Binay sa pagkakataong ito.

* * *

Kamakailan ay nagkaroon ng unawaan ang U.S. at ang People’s Republic of China kaugnay ng mas mahigpit na koordinasyon at produktibong ugnayang militar. Ibig sabihin nito, kung babasahin natin ang pailalim na mensahe ng pangyayaring ito, ay malinaw na may batayang pagkakasundo ang US at Tsina na hindi produktibo sa ngayon ang giyera para sa kanila.

Ito ang lumabas matapos ang limang araw na pagbisita ni Heneral Fan Changlong, vice chairman ng Central Military Commission ng Tsina, sa US kamakailan.

Mas mahalaga sa kanila ngayon ang kanilang ugnayan kaysa magbakbakan. Kailangang ng US ang Tsina dahil sa pera nito at kailangan naman ng Tsina ang US para maging merkado ng mga mumurahing produkto nito. Kung mag-giyera man ang dalawang ito sa hinaharap ay tiyak kong hindi tayo ang dahilan nun.

Saan kaya tayo pupulutin nito ngayon lalo na’t nagsalita na rin ang Australia na hindi sila makikisangkot sa kaguluhan sa West Philippine Sea?

Parang déjà vu ito nang 1898 Treaty of Paris kung saan palihim tayong binili ng mga Amerikano mula sa mga Kastila sa kabila ng yun pala ay kunwari lamang na pagkilala nila sa ating adhikaing maging malaya. Ganyan ang napapala ng mga tulad natin na ini-aasa sa iba ang pagtatanggol sa sariling lupain at karapatan, laging naloloko. 

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *