Sunday , December 22 2024

Mison patalsikin – Buklod (Tiwala ng publiko ipinagkanulo)

misonKASUNOD ng mga reklamo ng graft and corruption, hiniling ng employees labor union ng Bureau of Immigration (BI) kay Pangulong Aquino ang agarang pagpapatalsik kay Immigration commissioner Siegfred Mison sanhi ng pagkakanulo sa tiwala ng publiko (betrayal of trust) at paglihis sa adhikain ng adminstrasyong Aquino na ‘Daang Matuwid.’

Sa isang bukas na liham sa Pangulo, idiniin ni BI intelligence chief at BUKLOD ng mga Kawani president Atty. Faizal Hussin na hindi dapat itinalaga si Mison bilang Immigration commissioner dahil maaga pa lang (sa career nito sa serbisyo publiko), nagpakita na si Mison ng masamang karakter at tiwaling intensyon.

Tinutukoy ni Hussin ang pagsumite ni Mison noong 2011 ng mali at labis-labis na reimbursement ng gasolinang nakonsumo at bayarin sa parking at toll fees para sa kanyang opisyal na service vehicle, at gayon din ang kanyang mga pribadong sasakyan, na umabot sa P43,467.58.

“Sinampahan siya ng reklamo ng isang concerned BI official, na ngayo’y yumao na, at naglabas ng desisyon dito ang Ombudsman noong Oktubre 8, 2012 na hinatulan si Mison na guilty sa simple misconduct kaya binigyan ng reprimand,” pag-alala ng BI intel chief.

“Sa mata ng batas ito ay ‘simple misconduct’; ngunit nabisto rito ang karakter niya (ni Mison) at integridad. Pero itinalaga pa rin siyang commissioner ng Bureau noong Disyembre 2013, para mabigyan siya ng kapangyarihan na dalhin ang ahensya sa masama niyang gawi,” dagdag ng nagreklamo.

Ipinunto ni Hussin ang ilan pang insidente na nagpakita umano ng kuwestiyonableng  karakter ni Mison, kabilang na ang misteryosong pagpapalaya at paglaho ni Fu Gao Feng na inaresto dahil sa pagtatrabaho nang walang permiso o visa sa Filipinas at may summary deportation order; pagkanlong sa illegal alien na si Yuan Jin Hua, alyas Wilson Ong Cheng; at malaking eskandalo ng BBL payola ni Chinese crime lord na si Wang Bo.

Tinukoy din ang pagbulsa ni Mison ng P2.5 milyon mula sa BI Express Lane Trust Fund sa pamamagitan ng ilegal na pagkolekta para sa kanyang sarili ng overtime pay at mga bonus.

Sa ilalim ng Section 284 ng Government Accounting Rules and Regulation (GARR) ang isang  bureau director tulad ni Mison ay walang karapatang tumanggap nito.

“Ang tangka ni Commissioner Mison na mag-claim ng reimbursement ng undue gasoline consumption, parking at toll fees at ang patuloy niyang pagtanggap ng overtime pay na labag sa mga regulasyon ay katumbas ng corrupt practices,” ani Hussin.

Binanggit ng BI intel chief mula sa Black’s Law Dictionary para ilarawan ang mga pagkakamali ni Mison, “corruption consists in the act of an official or fiduciary person who unlawfully and wrongfully uses his station or character to procure some benefit for himself or for another person, contrary to duty and the rights of others.”

Matatandaang nagpahayag ng pagdududa ang isa sa malapit na kaalyado ni Pangulong Aquino ukol sa katapatan ni Mison dahil sa mga ginagawang salungat sa kampanya ng Pangulo laban sa korupsyon at gayon din ang mga polisiya ni Mison na pumapabor sa kilalang mga kritiko ng administrasyong Aquino.

Isiniwalat ng nasabing kaalyado ng Pangulo, na tumangging ipabanggit ang pangalan, ang tungkol sa VIP treatment na ibinigay ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport sa anak na lalaki ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Mikey Arroyo, na nakalabas ng bansa kahit wala siya allow departure order (ADO) sa utos umano ng BI-OCOM.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *