Tuesday , January 14 2025

Maria Ozawa, hawig kina Angelica Panganiban, Kristel Moreno at Meagan Young

 

VONGGANG CHIKKA! – Peter Ledesma . 

062915 Maria Ozawa angelica Kristel megan

DAHIL siya ang leading lady ngayon ni Robin Padilla sa horror movie na “Nilalang” na kabilang sa walong (8) official entries ng Metro Manila Film Festival 2o15, biglang sumikat ang pangalan ni Maria Ozawa dito sa ating bansa.

Halos araw-araw ay headline si Maria sa mga tabloid at social media. At dahil sa maalindog na kagandahan ay nakuha talaga ng nasabing adult video actress na number one porno star sa Asya ang atensiyon ng mga barakong Pinoy lalo na sa mga nakapanood ng marami niyang X-rated videos.

Sabi, maging sa Indonesia ay popular din si Maria na kilala bilang actress na nakagawa ng ilang teleserye na pawang pumatok sa televiewers. Pero nakalolokah naman ang background ng nasabing porno actress na sa edad na 12-anyos ay nakaranas na raw ng sex at noong trese naman ay nag-umpisa nang gumawa ng mga porno movie at ibinunyag na 48 different sex positions raw ang kayang gawin.

Kung mapapansin ninyo, malaki ang pagkakahawig ni Maria sa mga kilalang local stars natin like Angelica Panganiban, Kristel Moreno and Miss World 2O14 Meagan Young.

Beautiful girl gyud!

Gladys Guevarra hanep bumanat ng kanta ng Aegis

KOMEDYANANG SINGER NAKA-TIE SI AICELLE SANTOS BILANG GRAND WINNER NG “BULAGA PA MORE”

Inabangan talaga ng milyon-milyong Dabarkads viewers all over the Philippines at ng iba’t ibang bansa sa Asya ang Grand Finals ng “BULAGA PA MORE” na ginananap kahapon sa Broadway Studio ng Eat Bulaga. Lalong tumaas ang rating ng EB noong araw na ‘yon sa AGB Nielsen kaya baka magkaroon pa ng part 2 ang nasabing kantahan na may kasamang iba’t ibang gimmick na segment ng No. 1 and most awarded longest-running noontime variety show.

Supposedly ay anim silang grand finalists na maglalaban-laban sa Bulaga Pa More, pero dahil hindi nakarating sina Jonalyn Viray na may show sa isang probinsiya at Love Añover na pinapagpahinga ng kanyang OB Gyne dahil sa maselang pagbubuntis, sina Gladys Guevarra, Aicelle Santos, Cacai Bautista at Bubsy Wonderland ang mga nag-compete.

Nagpatalbugan ang apat sa Aegis Pa More songs. Ang “Basang-Basa sa Ulan” ang ini-interpret ni Bubsy na kahit tabahingching at walang teeth ang favorite performer sa comedy bars ay bongga ang rendition at na-carry niyang ihagis-hagis sa ere ang kanyang mga back-up dancer.

Marami naman ang bumilib dito kay Aicelle na habang kinakanta ang “Luha,” na binigyan niya ng ibang tunog ay hindi hiningal habang patakbong nagsi-sing papunta sa kahabaan ng Aurora Boulevard para mag-traffic sa mga motoristang dumaraan.

Wow na wow din ang number ni Cacai Bautista ng “Halik” na animo’y mapang-akit na dancer at kung bumirit labas ang ngala-ngala. Pero ang talagang nag-stand out among the finalists sa mata ng judges na Aegis Band, ay si Gladys “Chuchay” Guevarra na buwis-buhay ang ginawa na habang binabanatan ang “Sayang Na Sa-yang,” ay nakasuot ng harness at pabaligtad na kumanta nang mahigit sa tatlong minuto sa ere na hindi man lang nagsintonado o pumiyok!

Kaya naman ang hatol ng Aegis, siya at si Aicelle ang mga tanghaling grand winner sa Bulaga Pa More. Nanalo sila ng 100,000 cash prize. Yes hindi rin kasi matatawaran ang ginawang performance ni Aicelle na naging grand winner na rin noon sa “Gayang-Gaya Si-yang-Siya” ng EB.

Ito namang si Gladys ay hindi talaga matatawaran ang galing sa pagbirit at pati ang grupong Aegis ay napaha-nga.

Chuchay congrats to you gyud!

 

About hataw tabloid

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward pinaghirapan kung anong mayroon siya ngayon

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng Kapuso Princes na si Jillian Ward sa 24 Oras na …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Arjo emosyonal habang nagpapasalamat sa ‘pamilyang’ nabuo sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales GIVEN na naman yata na kapag Metro Manila Film Festival, hindi …

Rebecca Chuaunsu Mother Lily Roselle Monteverde

Mother Lilly at Roselle inspirasyon ni Rebecca ng Her Locket

MATABILni John Fontanilla INSPIRASYON ng film producer na si Rebecca Chuaunsu sina yumaong Mother Lily Monteverde at anak nitong …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen Robin iginiit Pilipinas huling-huli sa pagsusulong legalisasyon ng medical marijuana

RATED Rni Rommel Gonzales TODO ang suporta kay Senator Robin Padilla ng mga kilalang pandaigdigang eksperto sa …

Gerald Santos

Gerald fresh pa rin ang trauma kahit 19 taong nanahimik

RATED Rni Rommel Gonzales ILULUNSAD sa Courage concert ni Gerald Santos ang advocacy niyang Courage Movement. Layunin nito na makatulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *