Sunday , December 22 2024

Mar tinawanan lang si Binay

DERETSAHAN nang binara ni DILG Secretary Mar Roxas si Vice President Jejomar “Jojo” Binay dahil sa mga patutsada mula nang magbitiw sa gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino.

“Bago mo baluktutin ‘yung sinabi ko, mas maganda siguro kung deretsahan mong sagutin ‘yung gabundok na mga ebidensiya na iprinesinta sa Senado at sa mga forum tungkol sa mga anomalya na umano’y konektado sa inyong pamamahala sa Makati,” sabi ni Roxas.

Sa loob lamang ng isang taon ay sunod-sunod ang mga lumalabas na mabibigat na alegasyon ng katiwalian laban sa Bise Presidente, mga kaanak at kaibigang sinasabing dummy niya.

Ang mga alegasyon ng overpricing ay mula pa sa pag-upo ni Binay bilang mayor ng Makati, ayon sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee.

“Palagay ko ‘yun ang pinakamahalaga… deretsahang pagsagot, imbes linlangin natin ang ating mga kababayan at ilihis natin ang usapan sa kung ano-ano,” giit ni Roxas.

Maalala na kahit ilang beses nang inimbita si VP Binay sa Senado ay hindi siya sumisipot at umatras din sa debate laban kay Senador Antonio Trillanes III, na siya mismo ang naghamon.

Sinabi ito ni Roxas habang siya ay nasa Davao City para sa patuloy na distribution ng PNP patrol jeeps at para dumalo sa 6th Annual General Membership Meeting ng Davao City Chamber of Commerce and Industry.

Patuloy na tinawanan ni Roxas ang mga banat ng kampo ni Binay sa administrayong Aquino.

“Limang taon siyang nakaupo sa Gabinete, ngumingiti pumapalakpak at wala naman siyang sinabi. Noong isang linggo, nasabi niya na inaasahan niya na susuportahan siya ng Pangulo, ‘yun pala iba ang kanyang naiisip. Biglang bumitiw sa Gabinete at bumanat… kaya natatawa ako sa nangyari.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *