KITANG-KITA ng isa naming source ang halos “paglalaplapan” ng isang male star at isang female star sa isang coffee shop.
Ang nakatatawa hindi silang dalawa ang magka-love team. In fact maski na sa huli nilang pelikula ay magkasama sila, hindi naman sila ang magkatambal.
Siyempre galit na galit naman ang fans ng male star at ng kanyang ka-love team. Alam nila sinabihan na ang male star na huwag na siyang makikipag-date sa iba dahil nasisira na nga ang love team nila, pero mukhang hindi naman kasi siya mapilit na magustuhan ang ka-love team niya eh.