Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady store supervisor binugbog ng 4 dalagita

DALAWA sa apat dalagita ang nahaharap sa kasong physical injuries makaraan paghahatawin nang matigas na bagay ang isang 26-anyos babaeng store supervisor sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Amor, 17, at Susan, 15, kapwa ng Sulucan St.,  Sampaloc.

Habang ang biktima ay kinilalang si Margie Sorino ng Malong St., Dagupan, Tondo, nasa malubhang kalagayan sa UST Hospital.

Sa imbestigasyon na iniulat kay Supt. Mannan Muarip, station commander ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4, dinala ng isang Alberto Rivas, nakatalagang security guard ng Dodolon Amusement sa Earnshaw St., sa Sampaloc, ang dalawang dalagitang bumugbog sa kanilang store supervisor dakong 7:50 p.m.

Nauna rito, nakatambay ang dalawang dalagita sa tabi ng Dodolon Amusement ngunit dahil bawal na sila sa establisimyento, tumawag ng sekyu ang biktima para itaboy ang mga suspek.

Sandaling umalis ang dalawa ngunit bumalik na may kasamang dalawa pang dalagita at pinagtulungang bugbugin ang biktima.

Dinampot ng nasabing sekyu ang dalawang dalagita at dinala sa University Belt Area (UBA) Police Community Precinct, bago inilipat sa nasabing himpilan ng pulisya.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …