Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, walang sapat na dahilan para itakwil si Dennis

 

HATAWAN – Ed de Leon . 

062915 julia dennis

EWAN, pero talagang parang naawa naman kami kay Dennis Padilla nang aminin niya roon sa press conference ng The Breakup Playlist ang katotohanan na hanggang ngayon pala ay hindi pa rin iniuurong ng kanyang anak na si Julia Barretto ang iniharap na petisyon sa korte para mapalitan ang apelyido at huwag nang gamitin ang apelyido ng ama.

Hindi naman tumututol si Dennis na gamitin nga ng kanyang anak ang pangalang Julia Barretto bilang isang artista. Ganoon naman kasi ang mga artista, hindi rin gumagamit kung minsan ng kanilang pangalan. Magandang example na rin nga si Dennis na sinundan ang screen name ng tatay niya na Padilla gayung ang tunay nilang apelyido ay Baldivia. Pero iyon namang gustong mangyari ni Julia at ng isa pa niyang anak na huwag na nilang gamitin ang pangalan ng kanilang ama sa lahat ng mga papeles nilang legal, masakit naman iyon para sa isang ama at tinututulan iyon ni Dennis.

Nagkasundo na sila riyan eh. Kung natatandaan ninyo, noong mag-usap sila bago ang debut ni Julia noong nakaraang taon, sinabi pa niyon na iuurong na niya ang kanyang petisyon, pero hindi pala nangyari iyon. Sinabi rin ni Dennis na bihirang-bihira silang makapag-usap ng kanyang anak at kung nagte-text man siya roon, siguro sa 10 text ay minsan lang sasagot.

Ewan kung ano ang talagang dahilan at nagkaganyan ang mga anak niya kay Dennis. May mga bagay silang hindi napagkasunduan ni Marjorie Barretto na ina ng mga batang iyan kaya sila naghiwalay, pero ngayon nga mukhang nadadamay na ang kanilang mga anak sa hiwalayan.

Inaamin naman ni Dennis na talagang may panahong ni hindi siya makapagpadala ng sustento sa kanyang mga anak, dahil wala naman siyang trabaho noon, pero siguro hindi naman sapat na dahilan iyon para itakwil siya ng kanyang mga anak.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …