Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gender ni Del Rosario, kinukuwestiyon pa rin

 

TALBOG – Roldan Castro . 

062915 martin del rosario

HINDI naapektuhan si Martin Del Rosario sa umano’y nude photo scandal niya na viral sa internet. Isang lalaking hubo’t hubad at tila parang nasa loob ng isang motel.

Hindi siya na-bother at kahit pamilya niya ay hindi rin nabulabog sa nasabing eskandalo. Naniniwala sila na kayang harapin ni Martin ang ganitong klaseng gusot. Ang ipinagtataka lang niya kung bakit siya kaagad na itinuro? Siya lang daw ba ang may ganoon kalaking hinaharap, mata, at kilay?

Pero mas nakadagdag pa yata ito sa popularity niya dahil aminado siya na nadagdagan ang followers niya sa Twitter, Instagram at maging sa Facebook.

Anyway, ipinagmamalaki ng GMA7 ang pagtanggap ng award ni Martin bilang Best Supporting Actor ng 38th Gawan Urian para sa pelikulang Dagitab.

“Tuwang-tuwa ako dahil first time kong ma-nominate sa Urian tapos nanalo pa. Sa sobrang excitement ko, napa -sh—t pa nga ako sa stage,” bulalas niya.

May mga kumukuwestiyon hanggang ngayon sa gender ng actor pero pinagtatawanan lang niya.

In fact, ipinagsisigawan niya na crush niya si Kylie Padilla.

Eh, di wow!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …