Sunday , December 22 2024

Boykot vs substandard chinese products, bubuhay sa nasyonalismo ng mga Pilipino

MALAKI ang paniniwala ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael M. Alunan III na higit na tataas ang kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa pagmamahal sa Inang Laya kung iiwasang tangkilikin ang mga produktong gawa mula China.

Ayon sa dating kalihim, isang malaking tulong ang pagboykot ng mamamayang Pilipino sa mga produktong China dahil ito ang magsisilbing paraan ng sambayanan para kontrahin ang ginagawang pambu-bully ng nasabing bansa sa ating exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.

“‘Yung tulong ng citizenry kontra China is to boycott Chinese products… That will express your patriotism. In fact by boycotting Chinese products you give local manufacturers the opportunity to serve consumers,” paliwanag ni Alunan nang kapanayamin ng Bombo Radyo Legazpi.

Batid din ng dating DILG Secretary na maraming mga lokal na kompanya ang naaapektohan nang labis na pagdating ng mga produktong nagmumula sa China ngunit hindi naman dumaan sa quality control tulad ng steel products lalo ang yero gayundin ang mga sapatos, damit at maging mga produktong agrikultura tulad ng karne at bigas.

Nilinaw din ni Alunan na bukod sa hindi pagtangkilik ng produktong China, tatamasahin naman ng miyembro ng Association of Southeast Asian Nations ang higit na kaunlarang pang-ekonomiya dahil sa mga tratadong napagkasunduan ng nasabing regional association.

“Iyon namang hindi mama-manufacture ng local industries natin, puwede naman nating kunin ang mga substitute products from other markets like ASEAN. E, alam n’yo namang mayroon na tayong ASEAN integration ngayong 2015, so we are able to acquire products tariff free from ASEAN countries,” diin ni Alunan.

“So iyong mga substitute products na ginagawa nila, puwede nating bilhin doon. So that way, iyong pagboykot sa Chinese products will have a great effect on the economy of China,” dagdag ni Alunan na aktibong kumokontra sa agresibong aktibidades ng China sa mga islang higit na malapit sa ating bansa kaya itinatag niya ang West Philippine Sea Coalition.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *