Sunday , December 22 2024

2 dummy ni Binay wala na sa bansa (Bunyag ni Trillanes)

0629 FRONTIBINUNYAG ni Senador Antonio Trillanes na nakalabas na ng bansa ang sinasabing dummy ni Vice President Jejomar Binay na si Eduviges “Ebeng” Baloloy, gayondin ang itinuturong bagman na si Gerardo Limlingan.

“Base sa ating impormasyon e nakalabas na ng bansa. Mayroon tayong leads kung saan nila dinala,” ani Trillanes.

Tumanggi ang senador na tukuyin kung saang bansa nagtungo sina Baloloy at Limlingan ngunit tiniyak niyang mayroon nang binuong tracking team para tumugis sa dalawa.

Aniya, “Hindi muna natin sasabihin ngayon at baka makalipat pa.”

Kompiyansa si Trillanes na malilimitahan ang paggalaw ng dalawa, oras na maihain ang mga kaso laban sa kanila.

Sabi ng mambabatas, “Hinahanap sila ngayon at eventually kung makakasuhan sa Sandiganbayan, liliit na ang mundo nila kapag na-cancel ang passport niyan.”

Hinamon din ni Trillanes si Binay na iharap sina Baloloy at Limlingan sa publiko upang mapatunayang wala siyang sala sa mga alegasyon ng korupsiyon laban sa kanya.

Magugunitang lumabas sa mga dokumentong isinumite ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Court of Appeals na mayroong joint accounts ang Bise Presidente at si Limlingan.

Habang sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee, ibinulgar ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na mayroon din mga joint account sina Binay at ang long-time secretary niyang si Baloloy na naitalaga rin bilang executive secretary sa munispyo.

Una na rin inihayag ni Binay na wala siyang contact kay Limlingan.

Wala pang inilalabas na pahayag ang Bureau of Immigration, si Justice Secretary Leila De Lima at ang kampo ni Limlingan ukol sa pahayag ni Trillanes.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *