Urong-sulong Sina Erap at Digong sa pagtakbo sa pagka-pangulo
hataw tabloid
June 28, 2015
Opinion
NALILITO na ang mga gustong sumuporta kina Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa pagtakbong pangulo sa darating na Halalan 2016.
Urong-sulong kasi ang pagdedeklara ng pagtakbo ng dalawa.
Every time na tumaas ang kanilang rating sa surveys, magpapahayag na sila’y tatakbo. Kapag bumaba, hindi na lang daw sila tatakbo.
Ano ba talaga, mga koyang?
Sa kanyang talumpati sa Asia Chief Executive Officer sa Makati City few days ago, sinabi ni Duterte na hindi siya tatakbong presidente dahil ayaw ng kanyang anak at asawa. Tiklop pala siya sa kanyang mag-ina. Hehehe…
Si Erap naman, na noo’y nagpahayag na bukas siya sa pagtakbong muli sa pagka-pangulo dahil nawalan daw siya ng tatlong taon noon, ay nagsalita sa gitna ng Miss Manila Pageant na tatakbo na lang uli siyang mayor para sa 2nd term.
Sina Digong at Erap ay kapwa pasok sa top 5 sa surveys sa presidentiables.
Kung tinutuldukan na nga nila ang pagtakbong presidente, ibig sabihin nito ay tatlo na lang ang mahigpit na maglalaban-laban para pumalit kay PNoy. Ito’y sina Vice President Jojo Binay, Senador Grace Poe at DILG Sec. Mar Roxas.
Sa latest surveys ng Pulse Asia at SWS, nangunguna na si Poe, sumunod si Binay at Roxas.
Sa pag-ayaw nina Digong at Erap, kanino kaya sa tatlo mapupunta ang mga boto na dapat ay para sa kanila?
Posible pang sina Binay at Roxas ang mag-one-on-one sa pagka-presidente, kapag hindi rin tumuloy si Poe na nag-aalinlangan pa rin at tila gusto na lang maging running mate ni Roxas.
Natural, kapag nag-VP si Poe kay Roxas, ang kanyang boto ay malamang na maging boto rin ni Mar.
Si Poe ay No. 1 rin sa survey sa pagka-VP at pangalawa si Roxas sa SWS survey.
Aba… malaking hatak pala talaga si Poe kay Roxas pag nag-tandem ang dalawa.
Si Binay, hanggang ngayon ay wala pang mapiling running mate.
Si Amay Bisayas ay lantaran nang nagboboluntaryo para maging VP ni Binay, kaso ayaw naman niyang pansinin. E simple lang naman ang pangarap ni Amay kapag naging VP siya, mapagawa niya ang kanyang ngipin. Hahaha…
O siya, bukas ulit… huwag bibitiw sa ating update sa presidentiables 2016!
Wag pigilin si Binay sa pagtakbong Presidente
– Joey, wag pigilin si Binay for president. Para gumastos… tutal di naman yan mananalo. – Atty Waray
Tricycle nakabangga, driver walang lisensiya sa Sta. Cruz, Manila
– Joey, isang lasing binangga ng tricycle. Yung driver walang license, walang TODA. Dito yan sa Oroquita st., corner Tayuman, Sta. Ceruz, Manila, at around 4:30am, June 27, 2015. – 09297524…
‘Yung mga kolorum na tricycle diyan sa Tayuman, may timbre ‘yan sa MTPB, Traffic Police at Police station.
Traffic enforcers sa Abad Santos, kotong ang inaabangan!
– Joey, dito sa Tecson, Abad Santos, Tondo, Manila, ang traffic enforcers dito mga nag-aabang lang ng huli, ang lalakas mangotong! Pero sa mga lugar na dapat na nandun sila ayaw dun mag-traffic. – 09154301…
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015