Saturday , November 23 2024

Isang makabayang ugnayang panlabas ang kailangan (Huling Bahagi)

USAPING BAYAN LogoMalinaw pa sa sikat ng Haring Araw na ang kasalukuyang ugnayang pang-ekonomiya ng US sa Tsina ay napaka-halaga. Ang pagiging mabuting kliyente ng ating pamahalaan ay hindi sapat para tapatan ang kahalagahan ng relasyon ng US at Tsina. Kailangan ng US ang Tsina dahil sa pera nito at kailangan naman ng Tsina ang US bilang merkado ng mga produktong kanilang iniluluwas. Sa ngayon ay halos imposibleng tumakbo ang kani-kanyang mga ekonomiya kung wala ang isa’t isa.

Maliban sa pagiging sunod-sunuran o subservient na ating foreign relations policy, ang ating ugnayang panlabas ay OFW-centric. Ito sa aking palagay ay salamin nang ating pagiging alila ng mga Kastila, Amerikano at Hapones sa loob ng mahigit na 400 taon nagdaan. 

Ayon kay Prof. Walden Bello, dating miyembro ng kamara bilang party-list representative ng Akbayan, sa isa niyang sulatin: “Today, a huge chunk of our foreign policy is centered on the concerns of our OFWs in their respective country of employment and somehow a mere extension of the Department of Labor and employment. From protecting our OFW’s against injustices endured by our countrymen under the hands of abusive employers, opportunistic middlemen and dubious recruitment agencies to exhausting our diplomatic missions by shaking hands and greeting Sheiks in the Middle East and thanking them for ‘welcoming’ the very people, which are contributing to the development of their economies. As a result, our foreign policy outlook and energy has been confined to a specific set of issues and has hardly evolved beyond.”

Ang pagiging subservient at mendicant ng ating mga foreign policy makers ang dahilan kung bakit tayo ay nasa isang sulok ngayon at kung bakit tila wala tayong epektibong nagagawa laban sa Tsina, Malaysia, Vietnam, Hapon at Taiwan kundi ang patuloy na lumililim sa pantalon ni Uncle Sam. Ang totoo niyan sa kabila ng mga salitang pampalakas loob ng US ay nag-iisa tayo sa pakikibaka laban sa Tsina. Malinaw na hindi sasangkot ang Amerika sa ating laban dahil ayon sa kanila ay hindi sila nakikialam sa mga “territorial dispute.”  Alam at inamin din ito kamakailan ni AFP Chief Gregorio Catapang.

Hindi rin natin maaasahan ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN sapagkat sila’y nakikinabang sa pakikipag-kalakal sa Tsina. Tayo lang at wala ng iba pang papasan sa isyung ito. Kung ano man ang nangyayarng girian ng US at Tsina ngayon sa dagat Pasipiko ay tiyak kong wala tayong kinalaman duon. Iyon ay pormahan ng US at Tsina para sa pamamayagpag sa dagat Pasipiko, iyon ay tunggali-an ng isang tumutindig at hinahapong bansa.        

Kailangang maisalba ng administrasyong papalit kay BS Aquino ang ating foreign relations policy upang hindi tayo maipit sa nag-uumpugang mga bato. Kailangang na ang ating magiging bagong foreign policy ay sasalamin sa ating interes at hindi ang geopolitical security ng US. Hindi natin kailangan maging taga-limos ng tulong o taga-luwas ng mga alila sa mundo. Ang kailangan natin ay isang malaya, makabayan, intelehente’t mapanuring ugnayang panlabas.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *