Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, talo pa ang mga batang artista sa kaseksihan

 

HATAWAN – Ed de Leon . 

062615 sunshine cruz

MAY nakapansin lang, mukhang talaga raw nagpapa-sexy ngayon si Sunshine Cruz, lalo na nang ma-post sa kanyang social networking account ang isa niyang picture na kuha yata sa Boracay. Natawa kami sa mga comment, dahil para raw may gustong sabihan si Sunshine ng “magsisi ka”, dahil obvious namang mas maganda at mas sexy si Sunshine kahit na sabihin mong 38 na siya. Iyon naman kasing kagandahan at pagiging sexy, hindi naman nakukuha iyan sa edad. Mayroon talagang matured na pero napakaganda pa rin. Mayroong mga bata pa, mukhang dinaanan na ng bagyong Yolanda ang hitsura.

It so happened na si Sunshine iyong klase ng babae na marunong mangalaga sa katawan. Basta mayroon siyang oras, nasa gym iyan. Kasi alam naman niya na dahil ang propesyon niya ay isang artista, aba hindi lang kailangang magaling kang umarte, kailangan maganda ka rin. Isipin mo, nagbabayad ng P200 mahigit ang isang taong nanonood ng sine, dalawang oras ding nakatanghod sa loob ng sinehan, tapos kung ang makikita niya ay mukhang pindangga, ano ba naman iyon? Kaya ang artista dapat talaga maging maganda. At alam ni Sunshine iyan.

Mabuti nga hindi nagpabaya si Sunshine. Iyong iba kasi basta nag-asawa na sige na lang. Pababayaan na ang sarili hanggang isang araw pagharap nila sa salamin, mukhang bariles na sila. Kapag dumating ang ganoong panahon ay talagang mahirap na. Baka makuha ka na lang sa commercial ng beer o ng alak kasi sinasabi nila “aged in oak barrels” ang mga iyon. Pero si Sunshine, anticipated kasi niya na isang araw babalik siya sa showbiz eh, kaya hindi siya nagpabaya. Kaya tingnan naman ninyo, talo pa niya ang marami sa mga batang artista ngayon.

Pero ewan kung napansin ninyo, si Sunshine naman maski na magsuot ng bikini, wholesome pa rin ang dating. Kasi siguro nasa image talaga iyan eh. Iyong iba magsuot lang ng shorts akala mo dancer na sa beer house ang hitsura. Ang kaibahan talaga ni Sunshine kung iisipin, may class.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …