HOT, AW! – Ronnie Carrasco III .
ATTY. LORNA Kapunan for what?
Sa presscon ng non-winnable candidate na ito, gusto lang daw munang pulsuhan ni Kapunan ang opinyon ng entertainment media kung may magandang prospects na naghihintay sa kanya should she decide to plunge into politics.
Siyempre, collectively ay “Yes, ma’am!” ang isasagot ng press, pero ang tanong: saang posisyon?
Obvious na tatakbong Senadora ang abogada, pero kung bakit she appeared to be an echoserang frog sa kanyang deklarasyong hindi pa raw niya alam kuno ang posisyong tatakbuhan ay magdadalawang-isip tuloy ang mga botante.
Unang-una, Kapunan is like a floating log na wala naman ang pangalan niya sa senatorial lineup ng administrasyon. Hindi rin naman matunog kung aampunin siya ng oposisyon.
Back to the media survey na gusto niyang makalap, sabi nga ni DILG Secretary at presidentiable Mar Roxas, kahit sino ay puwedeng mangarap.
Sa kaso ni Kapunan, hanggang sa pangarap na lang yata ang maluklok sa Senado. Sorry, pero ramdam pa rin ang iniwan niyang stigma bilang manananggol noon ni Hayden Kho sa sex video scandal.
Worse, ang abogado noon ng PDAF scam queen na si Janet Napoles.
Bottom line: vote wisely!