Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxas: Binay plastik

062615 FRONTMAANGHANG ang naging sagot ni DILG Secretary Mar Roxas sa pagtiwalag ni Vice President Jejomar Binay sa Aquino administration kamakailan.

“Mahalaga rito ay lumalabas na ang katotohanan… na hindi po namin siya kakampi,” sabi ni Roxas sa isang panayam sa Bombo Radyo kahapon. 

“Laging nakangiti sa Pangulo, laging hated-sundo ‘pag may alis siya. Binigyan siya ng Pangulo ng official residence, sa Coconut Palace, kaisa-isang (Bise Presidente) na binigyan ng residence. May itinatago pala siyang kulo,” banat ni Roxas.

Hindi naiwasang matanong si Roxas tungkol sa politika pagkatapos niyang ipaliwanag ang mga programa ng Philippine National Police kontra krimen at ang mga bagong gamit tulad ng mga baril, patrol jeep at CCTV cameras sa matataong lugar.

Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations ay bumaba ang mga rating ni VP Binay para sa eleksyon sa 2016.

Kasunod  ito ng sunod-sunod na alegasyon ng korupsiyon at umano’y maanomalyang transaksiyon na kinasasangkutan ni VP Binay at miyembro ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Nang tanungin si Roxas tungkol sa mga reklamo ni Binay laban sa administrasyon, sinabi ni Roxas na limang taon miyembro ng Gabinete si Binay ngunit ni minsan ay walang sinabi o napunang kamalian. 

“Meron siyang ilang 365 days o ilang taon para sabihin ang mga hinaing niya. Bakit ngayon lang?” anang Kalihim.

“Di ko alam kung politika ba ito or sinsero? Kung sinsero, e di nakatulong sana kung may puna siya o gustong baguhin,” giit ni Roxas.

VP Binay walang utang na loob — Pnoy

INGRATO o walang utang na loob si Vice President Jejomar Binay.

Ito ang buwelta ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagbatikos sa kanya ni Vice President jejomar Binay.

“Ngayon, ang dami kong gustong sabihin sa totoo lang, pero palagay ko dapat yata e ‘yung i-formalize ko na rin ‘yung statement para maging maliwanag na maliwanag sa ating mga sagot sa kanyang mga sumbat. At siguro kung tatanungin mo, ano ang pakiramdam ko? Pangkaraniwan naman siguro sa Filipino, kayo na lumagay sa posisyon ko, paano ko ba siya trinato nang mali at tapos ito ang isinukli? Kaya thank you na rin sa kanya,” aniya.

Sinabi ng Pangulo na lahat nang inihirit ni Binay na puwesto sa gabinete ay pinagbigyan niya para mapanatili ang popularidad ng Bise-Presidente, para hindi ito maging “spare tire,” pero kinalaban pa rin siya ni pangalawang pangulo.

Tiniyak ng Pangulo na lahat ng bira ni Binay sa kanyang administrasyon ay sasagutin punto por punto ng kanyang gabinete.

“Well, sasagutin ko at sasagutin ng Gabinete point-by-point lahat itong mga sinumbat niya kahapon. Pero palagay ko ‘yung record will support my case na number one, hinalal siya ng taumbayan, ibinigay ko sa  kanya ang lahat ng pagkakataon na hindi siya maging [anong tawag dito?] spare tire. Iyong  pinagkasunduan namin, ‘yung assignment niya na housing, hinirit niyang idagdag ‘yung OFW, at lahat ito  ‘yung ipinagkaloob natin sa kanya ‘yung pagkakataon na manatili ‘yung kanyang popularity ratings,” dagdag ng Pangulo.

Ang hindi niya pag-endoso sa kandidatura ni Binay sa 2016 presidential elections ang nakikitang dahilan ng Pangulo sa pagbanat sa kanya ng Bise-Presidente.

“Ngayon, siguro ganyan talaga ang politika sa ating bansa. Iyong… Baka naman napag-isip siyang hindi siya ang ma-e-endorso natin, so kailangan ipakita niyang hindi niya kailangan ‘yung endorsement o may mas maganda siyang kayang magawa.

 Kabilang sa ipinukol ni Binay ay ang isyu ng katiwalian sa paggamit ng Disbursement Acceleration Program, PDAF, suhulan sa MRT 3 at ang kapalpakan sa paghawak ng operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng SAF 44.

Kaugnay nito, pinagtawanan lang si Interior Secretary Mar Roxas ang pagbatikos ni Binay sa administrasyon.

“Natatawa lang ako. The thing is he’s had every single day over the last 5 years to point out these wrongdoings or mistakes in this admin. Wala tayong nadinig as in zero hanggang ngayon… ngayon na wala siyang masabi tungkol sa mga anomalyang pinaparatang laban sa kanya,” ani Roxas.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …