Saturday , December 21 2024

PhilHealth sinasamantala ng private hospitals

NAGHAHANDA na ang Senado para sa matinding pagbusisi sa sinasabing pagsasamantala ng ilang pribadong ospital at klinika sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito ang pahayag ni Senator Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, bunsod ng mga ulat na may nagaganap na anomalya sa pangongolekta ng ilang pagamutan sa PhilHealth. Sangkot sa anomalya ang aabot sa P2 bilyong pera ng naturang ahensiya.

Ang napipintong imbestigasyon ng Senado ay kasunod ng pagsisiwalat nina Health Secretary Janette Garin and Philhealth President Alex Padilla.

Ayon sa dalawa, natuklasan nila na may nakapagdududang pagsingil sa PhilHealth ang ilang pagamutan base sa mga kuwestiyonableng transaksiyon.

Ayon sa dalawa, natuklasan nila na ang isang pagamutan ng mata ay sumingil sa PhilHealth nang aabutin ng P170 milyon noon lamang 2014. Ito ay mas malaki ng 143 porsyento sa siningil ng pareho ring pagamutan noong 2013.

Pinatigil na rin nina Garin at Padilla ang pagpoproseso ng mga karagdagang singil na naturang ospital sa PhilHealth habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Naghain na ng resolusyon si Senador Guingona para sa imbestigasyon ng Senado sa naturang alegasyon. Ang resolusyon ay ipinadala na sa Senate Health Committee na pinamumunuan din ni Senador Guingona.

Sinabi ng senador na siya ay nagalit dahil sa tila sistematikong paraan ng pagsasamantala sa PhilHealth. “Kung totoo ang mga alegasyon, ibig sabihin nito ay naghahari na rin ang kasakiman sa larangan ng kalusugan,” dagdag niya.

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *