NAKAGUGULAT ang galing na ipinakita ni Debraliz Valasote sa pelikulang Buhay Nanay na idinirehe ni Anthony Hernandez at ipinrodyus ni Miss Claire dela Fuente.
Kilalang komedyana si Debraliz na nakakasama noon ng Tito, Vic and Joey kaya naman ikinagulat ng mga nakapanood habang nagsu-shooting ang aktres sa kakaibang husay na ipinakita sa drama.
Sa Buhay Nanay, almost 80% ay drama kaya hindi maaaninag ang pagiging komedyante ng aktres.
Ukol sa problema sa isang relasyon ang Buhay Nanay na kapupulutan ng aral.
Bukod kay Bebraliz, kasama rin dito sina Bianca Manalo, Bernadette Allyson, Jojo Alejar, Karen Reyes, John Lucas, at Claire Ruiz.
Sa last week of July na mapapanood ang Buhay Nanay na ire-release rin abroad.