Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Halikan nina Piolo at Sarah, pinaalis ni Mommy Divine? (Dahil daw sa violent reaction…)

 

TALBOG – Roldan Castro . 

062615 mommy divine sarah piolo

AYAW magbigay ng detalye nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo tungkol sa kissing scene nila sa The Breakup Playlist na showing sa July 1. May kinalaman kaya ito sa napapabalitang may violent reaction umano si Mommy Divine nang malaman ito?

Hindi kaya inaayos muna si Mommy Divine at kailangang mapapayag ito na maipalabas ang nasabing kissing scene?

“Abangan n’yo po sa pelikula, maiinggit kayo,” bitin na pahayag ng Pop Princess.

Nag-react din si Sarah sa mga naglalabasan na wish niyang makahalikan si Papa P.

“Baka naman iniisip ni Piolo, eh pinagpapantasyahan ko siya ng sobra-sobra. Kaunti lang naman. Ha! Ha! Ha! Baka matakot na siya sa akin,” bulalas niya.

Aminado sina Piolo at Sarah na may playlist din sila noong dumating na may pinagdaanan ang kanilang lovelife.

Sey ni Papa P, kahit ano ang pinagdaraanan sa buhay ay mayroon siyang musical scoring para saktan pa ang sarili niya.

“Torture pa more,” sambit niya.

Sey naman ni Sarah, kailangang pagdaanan mo ang bawat emosyon ‘pag nakipag-break ka or else ay mababaliw ka.

“Ano ka, robot? Ano ka? Kailangan mong pagdaanan ‘yon,” madiin niyang pahayag.

Nag-share rin siya ng nararamdaman noong ma-hurt ang puso niya. Hindi na pinangalanan kung sino ‘yun pero noong time na ‘yun ay naghiwalay sila ni Rayver Cruz.

“Naalala ko po noong ako ay nasasaktan, magkasama kami ni Ate Juday sa ‘Hating Kapatid’, gumagawa kami ng pelikula. O, basta ‘yun. May music, nakalimutan ko na ‘yung music, basta heartbreak song siya. Nilakasan namin ‘yung tugtog. Kumakanta kami, umiiyak ako, ganyan. Kasi part ng healing process ‘yan, eh. ‘Yung alagaan mo ‘yung sakit until mawala,” kuwento niya.

Hirit pa niya na ang Breakup Playlist ay pag-aalaga sa emotions. Pero natagpuan naman niya ang happiness sa piling ni Matteo Guidicelli. Masaya ngayon ang puso niya.

“Siyempre wala naman hong ano, eh, bawat sitwasyon, wala namang perpektong sitwasyon. Kailangan mo lang ipagdasal na kung ano ‘yung kalooban ng Diyos, ‘yun ang mangyayari sa bawat relasyon na pinapasukan mo.”

Tsuk!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …