Friday , November 15 2024

CNN-PH cameraman itinumba sa Cavite

PATAY ang assistant cameraman at driver ng CNN Philippines makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa Imus, Cavite, ayon sa ulat ng pulisya at grupo ng National Union of Journalists of the Philippines.

Ayon sa NUJP,  sa  inisyal na ulat, kinilala ang biktima na si Jonathan Oldan. 

Nabatid na naganap ang insidente dakong 5:15 a.m. sa Bukaneg Street sa Brgy. Pinagbuklod, Imus.

“Oldan sustained four gunshot wounds in the head from still unidentified gunmen,” ayon sa NUJP.

Ayon sa ulat ng pulisya, ilang beses na pinaputukan ang biktima ng hindi nakilalang suspek.

Dagdag ng NUJP, makaraan bumili ng sigarilyo si Oldan sa isang convenience store ay nakipagkwentohan siya sa isang lalaki.

Ngunit makaraan ay nakitang tumatakbo ang biktima at ilang beses na binaril ng suspek

Kung ang insidente ay may kaugnayan sa kanyang trabaho, si Oldan ang pangatlong journalist na napatay ngayong taon, ika-27 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III, ika-167 simula noong 1986, ayon pa sa grupo.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *