Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBB teen housemate Bailey, pinagkaguluhan agad ng fans

MAKATAS – Timmy Basil . 

062515 bailey pbb

UMULAN man noong Sabado ng gabi, matagumpay naming naipakilala ang pitong teen housemates sa Bahay Ni Kuya. Madali silang tandaan dahil iba-iba ang kanilang hitsura at personalidad.

Unang ipinakilala si Ryan ng Cebu na sa murang gulang ay hindi na niya itinatago ang sariling pagkatao—ang pagiging beki.

Gandang-ganda naman kami sa Bikolanang si Barbie na animo’y Barbie Doll talaga.

Malakas naman ang hiyawan nang ipakilala ang barrio rapper na si Jimboy at ang Atenistang si Kenzo.

Pero nang tawagin na ang pangalan ng Fil-Brit na si Bailey, hayun at nagkagulo ang audience kahit na basang-basa.

Super guwapo naman talaga ni Bailey na please lang, huwag n’yo munang pagnasaan dahil 12 years old pa lang, pero malaking bulas huh! Siya kaagad ang napansin ng beking si Ryan at tinanong niya kung bakit may red lipstick ito sa pisngi, ang sagot ni Bailey, his mom kissed him before he entered the PBB house. Sagot naman ng lokong si Ryan, ”I Love Your Mom.”

May nakapasok ding teenage mom, si Camille na naging ina sa edad na 15.

Parang may dating housemate ng ganito sa PBB, si Jamila ba ‘yun na pagkatapos lumabas ng Bahay ni Kuya ay nagpa-sexy at nag-pose sa FHM?

May Muslim girl din na nakapasok, si Aliah kaya lang may napansin ako sa kanya na kapag kinakausap siya ni Big Brother, panay ang dila niya. Pangit na mannerism ‘yan Day, dapat tanggalin mo ‘yan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …