Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Open ang sugal sa Olongapo City

CRIME BUSTER LOGOMARAMI ang nakaaalam na ang respetadong bayan sa Olongapo City ay “zero” sa illegal gambling.

Mali pala ang inaasahan ng iba, ang sugal na kung tawagin ay “Baklay” o saklang patay ay pinayagan na raw na makapag-operate sa ilang barangay sa nasabing lungsod.

Kahit saang lugar sa Luzon ay may nag-o-operate ng sugal na saklang patay. Pinapayagan kasi ito ng local government officials, ng mayor, kapitan ng barangay, chief of police, dahil malaking tulong para sa mga may namatayan. Pero, ang saklang patay ay isang uri pa rin ng sugal na kasama sa nakasaad sa 9287 ng anti-gambling law.

Napag-alaman natin, na ang bagong hari ng saklang patay sa Olongapo City ay kilala sa bansag na B. Toledo.

Si B. Toledo raw ay kaalyado ng isang politiko sa nasabing lungsod. Kaya sa isang iglap ay nasipa ni B. Toledo ang dating bangker ng saklang patay sa Olongapo City.

Kaya hindi na nagtataka ang mga residente sa West Tapinac at sa Foster St., sa Barangay Banicain kung all the way ang mesa ng sugalan sa kanilang lugar.

Kaya kayang ipahuli o ipahinto ni Senior Supt. Pedrito delos Reyes ang pasugal ni B. Toledo sa Olongapo?

Walang katapusang palitan ng director sa Bucor

MALAPIT nang matapos ang termino ni pangulong Noynoy Aquino ay wala pa rin katapusan ang palitan ng director sa Bureau of Corrections (Bu-Cor).

Kahit na ilang beses nang ni-raid, ginalugad ng National Bureau  of Investigation (NBI), ang mabantot na kulungan sa national penitentiary, ang maximum security compound sa Muntinlupa City, ang iba’t ibang uri ng katiwalian, droga, armas, babae, racket sa dalaw, racket sa rancho ng pagkain ng mga preso, ay unabated pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Naku po! Tingnan natin kung tatagal ang retired AFP Lt. General na si Rainer Cruz sa Bu-Cor?

Ang daming demonyo sa bilibid, nagkalat!

Lihim ni a.k.a. Jason Palengke sa area ng SPDO

PUNONG-PUNO talaga ng hiwaga ang area ng south of Manila na sakop ng Southern Police District Office (SPDO).

Sa isang iglap ay napasok pala ni Alias Jason Palengke ang Parañaque City, Makati City at ang Las Piñas City. Meaning tatlong malalaking siyudad ang napalatagan niya agad ng pasugal na sakla (Spanish card games tables).

Alam kaya iyan ni Rocky?

Mag-resign ka na  Sec. Roxas!

DAHIL putok na tatakbo sa pagkapangulo sa 2016 si SILG Secretary Mar Roxas, dapat na siyang mag-resign sa cabinet ni president Noynoy Aquino.

He he he… Eleven months na lang presidential election na.

Matikas sina Malou at Marte Adik sa Cavite

KAPAG walang nanghuhuli, happy lagi ang mga pakador sa peryahan na ang front ay sugalan. Sa Maricriz Subdivision, General Trias, Cavite at sa Barangay Bucandala sa Imus, Cavite, kaya nilang paikutin ang chief of police. Tuloy ang kanilang pasugal na may halong panloloko.

Dapat na sigurong kumilos rito ang taga-region 4-A. Paging Cavite PD Senior Supt. Estomo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …