Saturday , November 23 2024

E, si Mar kaya?

00 aksyon almarTAMA lang ang ginawa ni VP Jejomar Binay, ang magbitiw na sa ipinagkatiwalang dalawang posisyon sa kanya ni PNoy. Pero dapat noon. Ikaw naman Jojo. Kita mo na nga ang pinaggagawa sa iyo. Umasa ka pang welcome ka pa rin sa tropang PNoy. Huwag nang maging manhid.

Pero huli man ang hakbangin ni VP, masasabing kahanga-hanga ang ginawa niyang ‘pagsuko’ … at least ngayon, malaya na siya at puwedeng-puwede na siyang dumiskarte nang sarili lalo na’t noon pa niya idineklarang tatakbo siya sa pagka-Pangulo sa 2016.

‘E si DILG Sec. Mar Roxas na obvious naman na tatakbo, aba’y mukha rin yatang mabibigo kay PNoy na kanyang pinagbigyan noong nakaraang presidential election. Pero mabuti na lamang at nag-giveway kay PNoy noon, kundi kaladkad siya sa pagkatalo. Matalino ka talaga Mar.

Ngunit mukha yatang tatablahin ni PNoy si Roxas – hanggang ngayon kasi ay pipi pa rin si PNoy kung sino ang kanyang iendorso para sa panguluhan sa 2016.

Mukhang nag-aalangan si PNoy dahil hanggang ngayon ay hindi umaangat ang rating ni Mar. Malayong naungusan siya ni Sen. Grace Poe.

Sen. Poe? Yes, siya ang maaaring maging kalaban ni Roxas sa iendorso ni PNoy. Kaya kapag nagkataon, kawawang Mar.

Pero for the benefit of the doubt, hintayin na lamang natin pagkatapos ng huling SONA ni PNoy sa Hulyo kung sino ang kanyang magiging manok. Ngunit tandaan mo Mar, kahit na maraming LP na pabor sa iyo para sa LP, iba pa rin ang – kapag ang pangulo ang mag-endorso sa iyo.

Teka, pangunahing paksa pala natin ang pagbibitiw ni Binay. Yes, ikaw Mar, kailan ka magbibitiw? Dapat sumunod ka na rin kay VP. Bakit? Di ba’t tatakbo ka sa pagkapangulo. Aba’y lisanin mo na ang DILG kahit na medyo matagal-tagal pa ang filing of candidacy para hindi ka pag-isipan na ginagamit ang pondo ng DILG sa panliligaw sa local government na nasa ilalim nga ng DILG.

With due respect to Mar. Sige trabaho lang ang kanyang ginagawa bilang DILG Secretary kaya lang, nagkakaroon po ng conflict of interest ang lahat dahil nga tatakbo si Mar sa 2016.

So, ang mas mabuti pa’y magbitiw na rin si Mar para dumiskarte nang sarili at hindi iyong karay-karay niya ang DILG sa pagbibigay ng kung ano-ano na kailangan ng lokal na pamahalaan. Getz n’yo?

Pero my guts kaya si Mar na sumunod – ngayon na — sa ginawa ni Binay? Ewan! Pero mayroon naman siguro, kaya lang hindi ngayon kundi kapag malapit na ang filing of candidacy sa pagkapanguluhan.

Ngek! Nakatatawa.

Hindi lang si Mar, kundi ang dapat lahat na nagpaplanong tatakbo sa anoman posisyon sa 2016 ay dapat nang magbitiw lalo na ang mga gabinete ni PNoy na nagpaparamdam na tatakbo o nagsasagawa na ng pre-campaign gamit ang pondo ng kanilang hawak na ahensiya ng pamahalaan. Sila man ay tatakbo sa pagka-senador, congressman o kung ano pa. Gayahin ninyo si Binay na kahit na paano – kahit na maraming ipinupukol laban sa kanya — siya pa rin ang pinagkakatiwalaang opisyal sa gobyerno batay sa pinakahuling survey.

Ayos ha, ibig sabihin, sa kabila nang lahat, si Binay pa rin ang lamang? Ibig din bang sabihin nito na siya pa rin ang nakalalamang sa panguluhan kahit na naungusan na siya ni Sen Poe? Hindi natin masabi iyan. ‘Ika nga, hanggang hindi pa matapos ang eleksyon, hindi natin masasabi ang lahat – kung sino ang susunod na pangulo natin. Pero kung sakali, ang magiging labanan diyan ay POE-BINAY. E si Mar, papaano? Hanggang pipi si PNoy sa sino ang kanyang mamanukin, hindi pa rin masasabi nang lahat kung malaki ang pag-asa ni Mar na mananalo siya. Pero tulad nga ng nabanggit, magkakaalaman lang naman tayo kapag, tapos na ang lutuan sa 2016,  este hindi pala lutuan kundi botohan.

Ano pa man, dapat nang magbitiw sa posisyon ang mga nagpaparamdam sa pamamagitan ng pondo ng bayan.

O Sec. Mar, wala nang hindi nakaaalam sa pagtakbo mo sa 2016, kaya huwag nang hintayin pa ang Oktubre para magbitiw sa posisyon kundi sumunod ka na sa yapak ni VP – may guts and balls.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *