Saturday , January 4 2025

BOC-NAIA Collector Rebustes at Collector Matugas, maasahan sa serbisyo publiko

00 parehas jimmyTALAGANG napakaganda ng samahan ng mga opisyales at empleyado sa NAIA Customs dahil lahat sila ay nagkakaisa at nagkakasundo para sa ikagaganda at ikaaayos ng kanilang organisasyon at collection.

Kagaya na lang nina Collector Dr. Nerza Rebustes at Collector Francisco “Bingo” Matugas, sila ay subok na ang katapatan sa trabaho at walang masasabi sa kanila.

Tunay na serbisyo publiko ang ginagawa at kung may problema man sa kanilang organisasyon ay agad nag-uusap-usap sila para maayos ito.

Regular ang weekly staff meeting na pinangungunahan ni BOC-NAIA District Collector Ed Macabeo na talaga namang napakasipag sa kanyang trabaho rin.

Ganyan talaga kapag ang isang opisyal ay rose from the ranks. Subok na ang kanilang kakayahan sa trabaho at walang makalulusot sa kanilang kontrabando.

At kapag nagkamali ang mga tiwaling broker,tiyak may kalalagyan kayo.

Napakalaki ng tiwala ni Comm. Bert Lina sa kanila dahil transparent ang Customs NAIA sa kanilang trabaho.

They are really working hard for the government.

Keep up the good work Customs NAIA! Mabuhay kayo!

BOC-Enforcement Group naka-score na naman!

Talagang maasahan pa rin ang mga pulis sa Aduana. Kamakailan ay ay nasakote nila ang ilan container na smuggled sugar sa MICP sa ilalim ni BOC-EG Depcom. Ariel Nepomuceno at kanyang mga tauhan na sina SPAS Marlon Alameda, EG Special Asst. Jervy Maglunob, Capt. Jesus Francisco Gutierrez, Lt. Cesar Albano at Lt. Larry Gregorio.

Talagang subok na ang kanilang kakayahan sa pagsugpo sa smuggling!

Congratulations sa inyo and keep up the good work!

Belated Happy B-Day

Huli man ay binabati ko pa rin ang ‘tatay’ ng lahat sa media at bossing na si Pareng Jerry Yap ng isang belated happy birthday.

Wish ko lang sa ‘yo na mas marami ka pang matulungan lalo na sa ating mga kasamahan sa media.

Nawa’y lagi kang pagpalain ng Diyos!

Mabuhay ka at Happy Father’s day!

***

Congratulations sa aking kaibigan na si Principal Appraiser Basset Lucman dahil siya ang nanalo sa Jack Enrile Cup 2015 Level III IPSC/PPSA Sanctioned Mini Rifle 3 national mini-rifle Practical Shooting Competition (National Mini-Rifle classification match) na ginanap sa Tiera Del Fuego Firing Range, Spendido Taal, Batangas.

Ganoon din kay Collector Mimel Talusan, kasama si Roland Tan at Jethro Dionisio na  nangingibabaw sa shooting competition sa Baltic Storm Handgun Shooting Championships.

 Si Mimel Talusan ay nanalo sa ikatlong kategoryang produksyon lady open.

Mabuhay ang mga customs shooters!

God bless us all!

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *