Saturday , December 21 2024

VP Binay ‘di kawalan — Palasyo

WALANG epekto sa administrasyong Aquino ang pagbibitiw sa gabinete ni Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., patuloy  ang serbisyo publiko sa lahat ng mga aspeto ng gawain ng mga ahensiyang napapaloob sa dating sinasakupan ni Binay.

“Patuloy naman ang serbisyo publiko sa lahat ng aspeto ng gawain ng lahat ng ahensiya na kasama diyan sa HUDCC, katulad ng PAGIBIG, iyong NHA, HLURB, Home Guarantee Fund – lahat naman po niyan ay patuloy pa ring magsisilbi sa ating mga mamamayan,” ayon kay Coloma.

May umiiral aniyang prinsipyo sa gobyerno na “continuity and no disruption in essential public services” kaya walang dapat ikabahala kahit wala pang itinatalaga si Pangulong Aquino bilang kapalit ni Binay  bilang housing czar at presidential adviser on OFW concerns.

Inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patuloy ang pagtugon ng gobyerno sa concerns o mga problema ng OFWs.

Sinabi ni Valte, habang wala pang nakikitang kapalit si Pangulong Aquino kay Binay ay patuloy na ginagampanan ng DoLE, DFA, POEA at OWWA ang kanilang tungkulin para sa OFWs.

“Our other agencies will be on hand to continue to address the concerns of our OFWs in the interim, as they always have,” ani Valte.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *